KimPau, usap-usapan matapos mahagip sa live report ni MJ Felipe
- Kinakiligan ng mga fans sina Kim Chiu at Paulo Avelino o kilala bilang ang 'KimPau'
- Naganap ito sa isang live reporting ni MJ Felipe kung saan kinapanayam nito sina Vice Ganda, Ann Curtis, Kim at Paolo
- Makikitang nakahawak si Kim sa kamay ni Paulo habang dumadaan sila ngunit bigla itong bumitaw nang mapagtantong naka-televise si MJ
- Makikita namang tila nagtawanan ang kanilang kasamahan pati na rin sa MJ matapos ang ginawa ni Kim
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kinakiligan ng netizens at fans ang tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na mas kilala ngayon bilang "KimPau," matapos silang mahagip sa live reporting ni MJ Felipe. Ang insidente ay naganap habang iniinterview ni MJ sina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, at Paulo Avelino matapos ang block screening na inorganisa ni Anne.
Sa gitna ng live coverage, napansin ng mga viewers ang tila hindi inaasahang kilos nina Kim at Paulo. Habang naglalakad ang dalawa sa background ng report, makikitang nakahawak si Kim sa kamay ni Paulo. Ngunit nang mapagtanto ni Kim na nasa camera sila, mabilis siyang bumitaw sa pagkakahawak, na naging dahilan ng tawanan ng kanilang mga kasamahan, pati na rin ni MJ Felipe mismo.
Ang eksena ay mabilis na nag-viral sa social media, at naging usap-usapan ang natural na chemistry nina Kim at Paulo. Maraming fans ang nagpahayag ng kanilang kilig sa kanilang nakita:
"Kim Chiu deserves to be happy. Hayaan natin siya maging masaya with whoever she wants to be with."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"MJ Felipe natagpuang na-distract sa KimPau."
"Kinilig si MJ Felipe sa KimPau hahaha."
Para naman sa supporters ng tambalan, tila isang magandang senyales ito ng posibleng pag-usbong ng mas malalim na koneksyon sa pagitan nina Kim at Paulo. Sa ngayon, nananatiling tikom ang dalawa sa isyu, ngunit nanatili ang kanilang mga fans sa suporta at pag-asang makita silang masaya.
Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh