John Arcilla, naglabas ng saloobin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin

John Arcilla, naglabas ng saloobin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin

  • Nagpahayag si John Arcilla ng pagkadismaya sa mataas na presyo ng mga bilihin sa kanyang Twitter post
  • Sinabi niyang sapat na noon ang ₱3,000 hanggang ₱4,000 para sa isang linggong pamalengke ngunit ngayon ay umaabot na ito sa ₱8,000 hanggang ₱10,000
  • Ipinunto niya na kahit mas mataas ang kanyang kita kaysa karaniwang Pilipino, nahihirapan na rin siya sa gastusin
  • Nanawagan siya ng solusyon para sa mga simpleng mamamayan na mas matindi ang epekto ng mataas na presyo ng bilihin

Hindi napigilan ng award-winning actor na si John Arcilla ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa. Sa pamamagitan ng isang emosyonal na post sa Twitter, ipinaabot ni Arcilla ang kanyang pagkabigla sa laki ng gastusin sa pamalengke, lalo na kung ihahambing sa mga nakaraang taon.

John Arcilla, naglabas ng saloobin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin
John Arcilla, naglabas ng saloobin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin
Source: Instagram

"Hindi ako nagyayabang na mas mataas ang kita ko sa average na wage earner at sa mas maraming Pilipino. Pero PUNYETA ang taas na ng bilihin ngayon ng BASIC COMMODITY sa palengke," ani Arcilla.

Read also

Ice Seguerra, humanga lalo kay Gary Valenciano dahil sa dedikasyon nito

Inalala ng aktor na noong nakaraang lima hanggang anim na taon, sapat na ang halagang ₱3,000 hanggang ₱4,000 para sa isang linggong pamalengke na may kasamang gulay, isda, at karne. Ngayon, nasa ₱8,000 hanggang ₱10,000 na ang kinakailangan para sa parehong gastusin.

Dagdag pa ni Arcilla, kahit na mas mataas ang kanyang kita kumpara sa karaniwang manggagawa, aminado siyang nahihirapan na rin sa tumataas na gastusin. “PAANO PA YUNG SIMPLENG MAMAMAYAN?” tanong niya sa kanyang post. Tinapos niya ito sa pagsasabing, “Kala ko ba TITINO NA TAYO? Ano na?”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani ng suporta mula sa netizens ang post ng aktor, na nagsabing kinakatawan niya ang hinaing ng maraming Pilipino na apektado ng mataas na presyo ng mga bilihin. Maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang sariling karanasan at nanawagan para sa agarang solusyon mula sa gobyerno.

Si John Arcilla o Romeo Gonzales Arcilla sa totoong buhay ay isang aktor at environmental advocate. Ipinanganak siya noong Hunyo 24, 1966 kina Dominador Gil Alemania Arcilla at Eustacia Gonzales sa Quezon City. Si John ay mula sa angkan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Read also

Ivana Alawi at Josh Mojica, ilan sa mga kilalang personalidad sa bagong video ni Esnyr

Matatandaang umani kaagad ng mahigit isang milyon na views ang TikTok video ni John matapos lamang ang isang araw mula nang ibahagi niya ito. Ginaya niya ang viral na video ni Joshua Garcia sa TikTok na sa kasalukuyan ay mayroong mahigit isang daang milyon na views na.

Matatandaang naibahagi ni John ang ilang mensaheng kanyang natanggap kaugnay sa kanyang ginagampanang karakter sa "FPJ's Ang Probinsiyano." Marami sa mga natanggap niyang mensahe ay galit at asar sa kanyang karakter sa naturang serye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate