Ice Seguerra, humanga lalo kay Gary Valenciano dahil sa dedikasyon nito

Ice Seguerra, humanga lalo kay Gary Valenciano dahil sa dedikasyon nito

  • Ibinahagi ni Ice Seguerra ang paghanga kay Gary Valenciano sa kabila ng masamang pakiramdam nito sa rehearsal
  • Kinailangang lagyan si Gary ng IV dahil sa dehydration ngunit itinuloy pa rin niya ang kanyang performance
  • Pinuri ni Ice ang dedikasyon ni Gary na magbigay ng kamangha-manghang show sa kabila ng hamon
  • Sinabi ni Ice na mas lalo siyang humanga kay Gary at pinasalamatan siya sa inspirasyong ibinibigay nito

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ni Ice Seguerra ang kanyang matinding paghanga kay Gary Valenciano matapos makita ang dedikasyon nito sa kanyang trabaho bilang performer. Ayon kay Ice, hindi maganda ang pakiramdam ni Gary mula pa sa run-through, kaya’t piniling manatili muna sa audience area.

Ice Seguerra, humanga lalo kay Gary Valenciano dahil sa dedikasyon nito
Ice Seguerra, humanga lalo kay Gary Valenciano dahil sa dedikasyon nito
Source: Instagram

Ngunit nang dumating na ang iba pang mga panauhin para mag-rehearse, umakyat pa rin ito ng entablado upang sumama sa kanila.

Nang malamang made-delay ang palabas dahil kinailangang lagyan ng IV si Gary bunsod ng dehydration, labis ang pag-aalala ni Ice at ng iba pang performers.

Read also

Paolo Valenciano sa lagay ng ama: "I’m still trying to process everything"

Inasahan nilang mababawasan ang mga kanta, lalo na ang mga dance numbers. Subalit, sa kabila ng kanyang kondisyon, ginawa pa rin ni Gary ang lahat upang bigyan ang kanyang audience ng isang kamangha-manghang show.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Ginawa pa rin niya lahat nang nakaya niya. You are an inspiration, Tito Gary,” ani Ice. Dagdag pa niya, mas lalo siyang humanga sa pagiging dedikado ni Gary at sa pagsasabuhay nito ng motto ng mga performer, “The show must go on.”

Pinasalamatan din ni Ice si Gary sa inspirasyon na ibinibigay nito sa mga kapwa artista at tagahanga. Aniya, “Kung mataas na yung paghanga ko sa iyo noon, mas matindi ngayon. Get well soon, Mr. Pure Energy.”

Si Gary Valenciano, na kilala rin bilang Gary V., ay isang kilalang mang-aawit, musikero, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Ilan sa kanyang mga sikat na kanta ay kasama ang "Take Me Out of the Dark," "Di Bale Na Lang," at "Natutulog Ba Ang Diyos?" Nakikilahok siya sa iba't ibang gawain ng charity, lalo na ang mga may kinalaman sa kalusugan at edukasyon.

Read also

Ivana Alawi at Josh Mojica, ilan sa mga kilalang personalidad sa bagong video ni Esnyr

Matatandaang nag-viral ang video ni Gary kamakailan. Makikita sa naturang video ang pagiging emosyonal ni Gary matapos siyang bisitahin ng anak na si Kiana Valenciano. Naiyak ito habang niyakap ang anak. Ayon sa isa pang anak ni Gary na si Paolo, bihira na silang magkasama-samang pamilya sa isang lugar.

Samantala, nilinaw ni Gary na hindi pa umano siya magre-retire sa industriya ng showbiz. Ito ay matapos na maging kontrobersyal ng title ng kanyang concert sa darating na Abril. Aniya, hangga't tumitibok pa ang kanyang puso, patuloy pa rin ang kanyang pagtatanghal. Ipinaliwanag lang ng nag-iisang Mr. Pure Energy ang magiging pagkakaiba ng mga susunod niyang gagawing shows.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate