Small Laude, binahagi ang video ng ginanap nilang Christmas Party
- Binahagi ni Small Laude sa kanyang Instagram stories ang ilang mga video clip na kuha sa ginanap na Christmas party para sa Small Steps Skin family
- Ang Small Steps Skin ay ang skin care line ni Small at sa naturang party ay kasama ang kanyang mga empleyado at pamilya
- Kabilang sa mga naroroon ay ang mga anak ni Small at ang asawa niyang si Philip Laude
- Base sa post ng Small's World Ph sa TikTok, ginanap ang party noong December 17
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Masaya at puno ng kasiyahan ang Christmas party na inihanda ni Small Laude para sa kanyang Small Steps Skin family. Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinahagi ng socialite at entrepreneur ang ilang video clip ng nasabing pagtitipon.
Ayon sa mga post, dumalo sa espesyal na okasyong ito ang pamilya ni Small, kabilang ang kanyang mga anak at asawa niyang si Philip Laude. Hindi lamang mga empleyado ang nagtipon kundi pati ang malalapit sa kanya mula sa skin care line na Small Steps Skin.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Batay naman sa post ng Small's World Ph sa TikTok, ginanap ang party noong December 17. Pinatunayan ni Small ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang team sa pamamagitan ng isang makabuluhang pagdiriwang ngayong Kapaskuhan.
Si Small Laude ay isang content creator na nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na YouTube vlogs. Dumami ang kanyang followers sa YouTube lalo na noong pandemya at nagkaroon ng lockdowns. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 2 million subscribers sa YouTube.
Sa isang vlog episode ni Small, nakasama niya si Alex Gonzaga. Marami umano ang humihiling na magkaroon sila ng collaboration dahil sa kanilang pagkakaparehas umano. Sumabak sila sa What's in the Box Challenge with a Twist kung saan sasagot sa tanong ang hindi makakahula ng mistery item. Marami ang natuwa sa video na ito ni Small lalo at nakasama niya si Alex na masayahin at palabiro din kagaya niya.
Sa kanyang collaboration kasama si Small Laude, hindi pinalampas ni Alex ang pagkakataon na ma-prank ang kapwa niya vlogger. Pinalabas niyang namomroblema siya matapos siyang maloko sa pera na nagkakahalaga ng 80 milyong piso. Kahit medyo malaking halaga ang sinabi ni Alex na kanya sanang hihiramin, agad na kinausap ni Small ang kanyang asawa. Kilala si Small bilang isa sa mga YouTube content creator na mayaman kahit bago pa sumikat sa vlogging.
Source: KAMI.com.gh