Sharon Cuneta, binahagi ang kanyang tips sa 'pagsa-sharon'

Sharon Cuneta, binahagi ang kanyang tips sa 'pagsa-sharon'

  • Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang kanyang "best-kept secrets" sa tinatawag na pagsa-sharon sa kanyang vlog para sa isang insurance ad
  • Makikitang lumalapit si Sharon sa isang babae na nagbabalot ng pagkain sa handaan na nagbigay katuwaan sa mga manonood
  • Ang pagsa-sharon ay nag-ugat sa linya ng kanyang kantang "Balutin mo ako" mula sa awiting "Bituing Walang Ningning"
  • Umani ang video ng positibong komento mula sa netizens na tinawag siyang iconic at nakaka-good vibes

Ibinahagi ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang “best-kept secrets” sa tinatawag na pagsa-sharon sa kanyang bagongpost para sa isang insurance ad. Sa video, makikitang lumalapit si Sharon sa isang babae na nagbabalot ng pagkain, na nagbigay katuwaan sa marami.

Sharon Cuneta, binahagi ang kanyang tips sa 'pagsa-sharon'
Sharon Cuneta, binahagi ang kanyang tips sa 'pagsa-sharon'
Source: Instagram

Ang pagsa-sharon ay nag-ugat sa linya ng kanyang kantang “Balutin mo ako” mula sa hit song na “Bituing Walang Ningning”. Umani ang video ng positibong komento mula sa netizens, na tinawag siyang iconic at nakaka-good vibes. Anila, patunay ito ng hindi kumukupas na impluwensya ni Sharon sa kulturang Pilipino.

Read also

Marian Rivera, nagsalita na tungkol sa viral na ‘Story of My Life’ meme

Narito ang ilang komento ng netizens:

"Haha nakakaGood Vibes , patok ang commercial na to , super cute"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hahaha fave ko rin mag “sharon”! 😂 Mega, you are truly iconic! Imagine, your name has become a verb in Filipino culture ‘mag-sharon’ "
"Wow comedian din si mega patok na patok my idol ang galing mo tlga. how to do proper SHARON by Sharon cuneta😂. Her: birthday mo ba to Shawie ? Sharon: HINDE hahahahaha nakikisharon lang din Pala ma Yung ube cake"

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt.

Read also

Kim Chiu, napaamin tungkol sa 'Suspek, suspek' na hirit ni Vice Ganda tungkol sa kanya

Nagdadalamhati si Sharon sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan at dating manunulat na si Manny Castañeda. Ibinahagi niya ang kanilang pinagsamahan mula pa noong 1986 sa kanyang show na "The Sharon Cuneta Show."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate