Kim Chiu, napaamin tungkol sa 'Suspek, suspek' na hirit ni Vice Ganda tungkol sa kanya
- Naging sentro ng mga biro si Kim Chiu sa “Suspek Suspek” segment ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN Christmas Special na pinangunahan ni Vice Ganda
- Biniro ni Vice na hindi pa ipinapakilala ni Chiu ang kanyang bagong boyfriend dahil kumukunsulta pa umano ito sa feng shui expert tungkol sa compatibility nila
- Kinumpirma ni Chiu na dumaan sa kanyang dressing room si Paulo Avelino matapos ang recording nito, na nagdulot ng kilig sa fans
- Ibinida rin ang teaser ng kanilang pelikulang “My Love Will Make You Disappear” na ipapalabas sa Pebrero 2025 habang nagpapatuloy pa ang kanilang shooting
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa ABS-CBN Christmas Special, naging sentro ng mga biro at punchline si Kim Chiu sa isang skit ng noontime show na "It's Showtime." Pinangunahan ni Vice Ganda ang trending "Suspek Suspek" segment, kung saan nagbibiruan at nagbubunyagan ang mga kalahok ng mga kwento, lihim, at nakakatuwang rebelasyon.
Biniro ni Vice si Chiu na hindi pa umano nito ipinapakilala ang kanyang bagong boyfriend dahil kailangan pa niyang kumonsulta sa isang feng shui expert para sa kanilang compatibility. Umugong ang sigawan at tawanan ng audience nang matukoy na si Paulo Avelino, ang onscreen partner ni Chiu, ang tinutukoy ni Vice.
Backstage, ibinahagi ni Chiu ang kanyang reaksiyon sa pangyayari:
"Suspek suspek bakit apat 'yung sa akin, 'di ako ready. Nakalimutan ko tuloy 'yung suspek suspek ko," ani Chiu na tila hindi handa sa pang-iintriga.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi rin pinalampas ni Vice ang pagbunyag na may isang lalaking nakasuot ng sumbrero ang bumisita sa dressing room ni Chiu, na muling tinutukoy si Avelino. Kinumpirma naman ito ni Chiu nang tanungin tungkol sa nasabing bisita:
"Uy grabe. Nanggaling siya ng recording nun kasi wala pa 'yung sundo niya. So dumaan muna. Nagulat din ako," sabi niya.
Samantala, inilabas din ang teaser clip ng upcoming movie nina Chiu at Avelino na "My Love Will Make You Disappear," na nakatakdang ipalabas sa Pebrero 2025. Nang tanungin kung tapos na ang kanilang shooting, sinabi ni Chiu: "No, not yet. So wala munang bakasyon this December. Shooting muna kami."
Aminado ang aktres na ramdam nila ang pressure bilang pambungad na pelikula ng Star Cinema para sa susunod na taon, kasunod ng tagumpay ng "Un/Happy For You" at "Hello, Love, Again."
Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh