Ogie Diaz: "Let's give Anthony and Maris Racal a chance"

Ogie Diaz: "Let's give Anthony and Maris Racal a chance"

- Tila nanawagan si Ogie Diaz na bigyang pagkakataon muli sina Maris Racal at Anthony Jennings

- Lalo na at mapapanood sila sa MMFF movie ni Vice Ganda na 'And the breadwinner is'

- Nasabi rin ni Ogie na mahuhusay na artista ang dalawa subalit pagdating sa showbiz ay nakikita rin maging ang personal na buhay ng mga aktor

- Hindi man nakakasama sa pag-promote ng pelikula, muli naman na silang nakasama sa movie poster ng nasabing pelikula.

Nagbigay ng pahayag si Ogie Diaz ukol sa mga kontrobersiyang kinahaharap ng mga aktor na sina Anthony Jennings at Maris Racal.

Ogie Diaz: "Let's give Anthony and Maris Racal a chance"
Ogie Diaz: "Let's give Anthony and Maris Racal a chance" (ABS-CBN Film Productions Star Cinema)
Source: Facebook

Ayon kay Ogie, nararapat lamang na bigyan ng pagkakataon sina Anthony at Maris na patunayan ang kanilang kahusayan sa pelikula at muling ipakita ang kanilang talento.

"Let’s give Anthony and Maris a chance. A second chance," pahayag ni Ogie. Ayon sa talent manager at komedyante, ang pelikula ay isang magandang pagkakataon para kay Maris at Anthony upang ipakita ang kanilang mga kakayahan sa pag-arte, at malaki ang posibilidad na makabawi sila mula sa mga negatibong komento na kanilang natamo.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya ang PRO ng pelikulang 'And the Breadwinner is'

Dagdag pa ni Ogie, "Sabi nga nila pag napanood nila yung pelikulang ito, baka ma-redeem ni Maris at Anthony yung kanilang mga sarili kasi mahuhusay naman talaga silang umarte."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yung nga lang, pasensya na kasi dito sa showbiz, hindi lang career mo ang tinututukan ng publiko. Maging personal mong buhay, kahit ayaw mo silang papasukin, papasok at papasok sila sa buhay mo. Kasi ganyan talaga," paalala niya.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Nakarelasyon niya sa loob ng nasa limang taon ang Pinoy musician na si Rico Blanco.

Samantala, nakilala ang tambalan nilang 'MaThon' ni Anthony Jennings sa teleseryeng pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, ang 'Can't Buy Me Love'

Kamakailan, naging matunog ang kanyang pangalan matapos na isiwalat di umano ng ex-girlfriend ng ka-love team niyang si Anthony Jennings ang mga private message nila na labis na gumulantang sa publiko.

Read also

Kathryn at Alden sa Hello Love Again: "Patapos na tayo so Joy and Ethan, signing off"

Kaugnay nito, isang product endorsement na ni Maris ang nagdesisyon na tapusin ang kanilang partnership sa aktres. Hindi na rin muna isinama umano sa media con ng And the breadwinner is si Maris at Anthony na sinasabing para makaiwas muna na mausisa tungkol sa mainit na isyu. Gayunpaman, isa sa mga proyektong inaasahang mapapanood ang tambalang MaThon ay ang seryeng Incognito na ipalalabas sa Enero 2025.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica