Davao Conyo, sinupalpal ang netizen na humiling ng content tungkol kay Maris Racal
- Sinupalpal ni Davao Conyo ang netizen na humiling na gumawa siya ng content tungkol sa kontrobersya ni Maris Racal
- Ipinaalala niya na hindi tama ang gawing katatawanan ang pinagdadaanan ng ibang tao para lamang sa mabilis na views
- Binatikos niya ang paggawa ng content na may layuning mapahiya ang iba at tinawag itong tamad at malisyoso
- Umani siya ng papuri mula sa netizens dahil sa kanyang prinsipyo at naging trending sa social media platform na X
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Trending ngayon ang social media personality na si Phillip Te Hernandez, o mas kilala bilang "Davao Conyo," matapos niyang sagutin ang isang netizen na nag-request na gumawa siya ng content o parody ukol sa Kapamilya star na si Maris Racal.
Sa Instagram story ni Davao Conyo, binatikos niya ang netizen na humiling sa kanya ng "entry" tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Maris nitong Disyembre. Ang naturang isyu ay nag-ugat sa pagbubunyag ng ex-girlfriend ng kasamahan ni Maris na si Anthony Jennings, kung saan ipinakita ang umano’y "flirting" ng dalawa sa kanilang chat screenshots.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa netizen, "Make entry for Maris Issue please. Hahahah. Looking forward." Subalit imbes na pagbigyan ang hiling, prangkang sinagot ito ni Davao Conyo at pinaliwanag ang kanyang pananaw.
“Ante, hindi maganda na gawing katatawanan ang pinagdadaanan ng ibang tao. Sana hindi mo ito maranasan,” saad niya.
Ipinaliwanag pa niya na ang paggawa ng content na nang-iinsulto o nagpapahiya ng ibang tao para lang sa mabilis na views ay "isa sa pinakamababang anyo ng content." Dagdag niya, “It’s lazy and malicious.”
Giit pa ng content creator, naiintindihan niya ang paggamit ng humor upang gawing magaan ang usapan o pagpanagot sa mga taong nasa kapangyarihan. Gayunpaman, aniya, iba ang panawagan para gawing accountable ang isang tao sa kanilang pagkakamali kaysa sa pagpapahiya sa kanila.
“[These] types of people who take advantage of other people's shame will do the same to you if you were in the same situation, so be very careful around them,” pagtatapos ni Davao Conyo.
Dahil sa kanyang tugon, naging usap-usapan siya sa social media platform na X (dating Twitter), kung saan dinagsa siya ng papuri mula sa mga netizen:
Patuloy na umani ng respeto si Davao Conyo hindi lamang sa kanyang mga followers kundi pati na rin sa mga taong humahanga sa kanyang prinsipyo at paraan ng pagpapahayag ng opinyon.
Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.
Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.
Sa unang pagkakataon, nagsalita si Maris Racal tungkol sa nag-viral na larawan kung saan kapansin-pansin ang magkaparehas nilang sapatos ng aktor na si Anthony Jennings. Agad na naging usap-usapan sa social media ang litrato, na nagdulot ng samu't saring haka-haka mula sa mga netizens.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh