Kathryn Bernardo: "Don't use your pain as a reason to hurt others."

Kathryn Bernardo: "Don't use your pain as a reason to hurt others."

- Binalikan ng netizens ang payo ni Kathryn Bernardo tungkol sa pag-ibig matapos ang kanyang panayam kay Boy Abunda

- Ibinahagi niya ang kahalagahan ng kabutihan kahit nasasaktan at ang hindi paggawa ng masama sa iba dahil sa sariling sakit

- Tinalakay rin ni Kathryn ang pagpapatawad, na sinimulan niya sa sarili bago sa ibang tao

- Inamin niyang naglaan siya ng panahon upang harapin ang kanyang emosyon at pahalagahan ang sarili bago muling bumangon

Marami ang humanga at nagbigay-pansin sa matalinhagang payo ng aktres na si Kathryn Bernardo tungkol sa pag-ibig, na ibinahagi niya sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kathryn Bernardo: "Don't use your pain as a reason to hurt others."
Kathryn Bernardo: "Don't use your pain as a reason to hurt others."
Source: Instagram

Tinanong si Kathryn ni Tito Boy kung ano ang maipapayo niya sa magiging anak niya ukol sa pag-ibig. Tugon ni Kathryn, "Just because you're in pain, you're hurting, it doesn't mean na you have to do the same."

Dagdag pa niya, "Kindness, you can never go wrong with kindness. If something bad happens, or kung may mangyayari sa 'yo, I'll let you experience it because I can't protect you from it. Pero ang mako-control ko lang ay kung paano mo iha-handle ang sarili mo kapag nasasaktan ka."

Read also

Candy Pangilinan, humihingi ng tulong na mahanap si Quentin: "Bigla siya tumakbo"

Binigyang-diin ng aktres ang halaga ng pagpapakatao at pananatili sa mabuting asal kahit sa gitna ng sakit. "Basta alam mo 'yung values mo, alam mo wala kang naapakan na ibang tao, then you shouldn't be afraid of anything kasi lahat kakayanin mo. 'Yun 'yung ginawa ko sa sarili ko."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napag-usapan din sa panayam ang karanasan ni Kathryn sa pagpapatawad, lalo na sa konteksto ng kanyang 11 taong relasyon kay Daniel Padilla.

Inamin ni Kathryn na naglaan siya ng oras para harapin ang sarili niyang nararamdaman.

Ang mga pahayag ni Kathryn ay muling binalikan ng netizens matapos lumabas ang panayam noong Oktubre, noong showing ang pelikula nila ni Alden Richards. Marami ang pumuri sa aktres dahil sa kanyang matapang na pananaw at malalim na pag-intindi sa mga aspeto ng pag-ibig at pagpapatawad.

Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang "KathNiel."

Read also

Xian Gaza sa pasabog ni Jam Villanueva: "Kompirmd yung splook ko noon"

Patuloy sa pagbasag ng mga rekord ang "Hello, Love Again" dahil sa napakalaking tagumpay ng pelikula. Una, nalampasan nito ang "Rewind" bilang pinakamalaking kinita ng isang pelikulang Pilipino sa kasaysayan. Ngayon, ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na umabot sa mahigit P1 bilyon ang kabuuang kita.

Samantala, nagbahagi si Alden Richards ng ilang nakakakilig na litrato kasama si Kathryn Bernardo habang sila ay nasa Calgary, Canada. Sa parehong post, nag-iwan siya ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikulang "Hello, Love, Again."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate