Kampo ni Neri Naig, naglabas ng pahayag kaugnay sa atas na agarang pagpapalaya sa kanya

Kampo ni Neri Naig, naglabas ng pahayag kaugnay sa atas na agarang pagpapalaya sa kanya

- Inutusan ng Pasay City RTC Branch 112 ang BJMP na agad palayain si Neri Naig-Miranda kasunod ng pagbawi sa warrant of arrest laban sa kanya

- Kinumpirma ng abogado ni Neri na si Atty. Aureli Sinsuat ang desisyon ng korte at ang muling pagsisiyasat ng kaso sa City Prosecutor's Office

- Naniniwala ang kampo ni Neri na mapapatunayan ang kanyang kawalan ng sala sa Dermacare/Beyond Skin Care Solutions case

- Nagpasalamat ang pamilya at mga tagasuporta ni Neri sa desisyon ng korte at muling nagdiwang ng kanyang kalayaan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ipinag-utos Pasay City RTC Branch 112 sa BJMP ang agarang pagpapalaya sa aktres na si Neri Naig-Miranda matapos bawiin ang naunang warrant of arrest laban sa kanya.

Kampo ni Neri Naig, naglabas ng pahayag kaugnay sa atas na agarang pagpapalaya sa kanya
Kampo ni Neri Naig, naglabas ng pahayag kaugnay sa atas na agarang pagpapalaya sa kanya
Source: Facebook

Ayon sa pahayag ng kanyang abogado na si Atty. Aureli Sinsuat mula sa FLO Attorneys-at-Law, kinumpirma nila ang pagbibigay ng korte sa kanilang motion to quash. Kasunod nito, inatasan ng korte ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na agad na palayain si Neri habang isinasagawa ang reinvestigation ng kaso ng Dermacare/Beyond Skin Care Solutions sa tanggapan ng City Prosecutor.

Read also

Neri Naig, ipinag-utos ng Pasay City RTC na palayain na ngayong araw

"We appreciate the Court's decision, which underscores Neri's constitutional right to due process," ani Atty. Sinsuat sa opisyal na pahayag. Naniniwala rin sila na sa muling pagsisiyasat ay mapapatunayang walang kasalanan si Neri sa naturang kaso.

Ayon sa mga tagasuporta ni Neri, malaking hakbang ang desisyong ito tungo sa pagkamit ng hustisya at katotohanan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ngayon, abala ang legal counsel ni Neri sa paghahanda para sa reinvestigation na inaasahang magbibigay-linaw sa isyung kinasasangkutan ng aktres. Dagdag pa ni Atty. Sinsuat, "This development marks an important step toward resolving the matter fairly and justly."

Patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang mga susunod na kaganapan kaugnay sa kaso ni Neri, na ngayon ay muling nakasama ang kanyang pamilya matapos ang pansamantalang pagkakulong.

Si Neri naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2914 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Read also

Neri Naig, pabalik na muli sa Pasay City jail; pre-trial, nalipat

Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo.

Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: