Atty. Annette Gozon, nagsalita tungkol sa slot ng "It's Showtime" sa GMA Network

Atty. Annette Gozon, nagsalita tungkol sa slot ng "It's Showtime" sa GMA Network

- Nagbigay si Atty. Annette Gozon-Valdes ng pahayag ukol sa kasalukuyang negosasyon para sa renewal ng kontrata ng It's Showtime

- Lumitaw ang espekulasyon na papalitan ng GMA variety show na TiktoClock ang slot ng It's Showtime ngayong Disyembre

- Nagsimula ang It's Showtime sa GTV noong Hulyo 2023 at lumipat sa pangunahing channel ng GMA Network noong Abril 2024

- Ipinagdiwang ng It's Showtime ang ika-15 anibersaryo nito noong Oktubre sa pamamagitan ng lingguhang espesyal na Magpasikat

Nagbigay ng pahayag si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes kasunod ng mga espekulasyon na ang GMA variety show na TiktoClock umano ang papalit sa slot ng It's Showtime, na matatapos ang kontrata ngayong Disyembre.

Atty. Annette Gozon, nagsalita tungkol sa slot ng "It's Showtime" sa GMA Network
Atty. Annette Gozon, nagsalita tungkol sa slot ng "It's Showtime" sa GMA Network (GMA Network/IG, It's Showtime/FB)
Source: Instagram

Sa isang post ng GMA Network sa social media noong Biyernes, sinabi ni Gozon-Valdes na kasalukuyang nakikipagnegosasyon ang network para sa renewal ng kontrata ng It's Showtime.

"We are in the process of negotiations now for the renewal of 'Showtime,'" ani Gozon-Valdes.

Read also

15 anyos na lalaki, nag-agaw-buhay matapos pagsasaksakin ng nakaalitang 12 anyos na bata

Matatandaang lumipat ang Kapamilya noontime variety show sa GMA's Good Television (GTV) noong Hulyo 2023, matapos pirmahan ang kontrata sa naturang channel noong Hunyo. Noong Abril ngayong taon, opisyal na namayagpag ang programa sa pangunahing channel ng GMA Network matapos ang panibagong kasunduan noong Marso.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Noong Oktubre, ipinagdiwang ng It's Showtime ang kanilang ika-15 anibersaryo sa pamamagitan ng isang linggong espesyal na Magpasikat, na kauna-unahang beses na ipinalabas sa pangunahing channel ng GMA Network.

Sa ngayon, patuloy na napapanood ang It's Showtime mula Lunes hanggang Sabado, alas-12 ng tanghali, sa GMA Network at GTV.

Ang It's Showtime ay isang sikat na noontime variety show sa Pilipinas na orihinal na ipinalabas sa ABS-CBN. Kilala ito sa masayang kombinasyon ng mga segment, tulad ng mga paligsahan, talento, at comedy, na layuning magbigay-aliw sa mga manonood.

Noong 2023, lumipat ang programa sa GMA's Good Television (GTV) matapos magsara ang ABS-CBN sa free TV dahil sa hindi pag-renew ng prangkisa nito. Simula Abril 2024, pinalabas ang It's Showtime sa pangunahing channel ng GMA Network, patuloy na nagbibigay-kulay sa tanghalian ng mga Pilipino.

Read also

Dominic Roque at Sue Ramirez, muling namataang magkasama sa Siargao

Sa unang araw ng pagsasama ng "It's Showtime" sa GMA Network, nagtala ito ng malaking bilang ng mga advertisement. Sa pagsasama ng naturang programa sa bagong estasyon, nakapagtala ang "It's Showtime" ng 159 na ads sa kanilang episode ngayong April 6.

Sa isang panayam, nilinaw ni Vic Sotto na hindi talaga ang It's Showtime ang tinutukoy nila sa kanilang naging pasaring kamakailan. Ayon sa kanya, hindi nila sinasabing kaaway ang It's Showtime, ngunit sa halip ay kalaban nila ito sa kompetisyon sa noontime show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate