Ivana Alawi, ibinida ang upuan sa bahay na nagkakahalaga ng lampas kalahating milyong piso
- Sa house tour ni Ivana Alawi, una niyang ibinida ang kanyang "Mama chair"
- Nakakalula ang halaga nito at sinabi niyang may kwento pa umano ang naturang upuan
- Sa Pilipinas, dalawa lamang ang nagma-may-ari ng ganoong upuan at isa na rito si Ivana
- Matatandaang na-ospital si Ivana kamakailan dahil sa kanyang karamdaman na hindi agad ininda
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Agaw-pansin sa social media ang aktres at influencer na si Ivana Alawi dahil sa kanyang luxury na upuan na isa sa mga atraksyon sa kanyang bagong tahanan.
Tinatawag itong "Mama chair," na nagkakahalaga ng P600,000. Ayon kay Ivana, ang upuan ay isang espesyal na piraso na mula pa sa bansang Italya, at may kakaibang kwento sa likod ng disenyo nito.
May kwento raw ang disenyo ng nasabing upuan na sumasagisag sa ugnayan ng isang ina at anak. At sa bansa, isa si Ivana sa dalawang nagma-may ari ng "Mama chair"
“Iisa na lang ‘yung merong color beige. And I think dito sa bansa, two pieces lang ang meron sa Philippines. So isa tayo sa may-ari,” paliwanag ni Ivana sa kanyang pinakabagong vlog.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatagpuan ito sa kanyang living room at aminado siyang isa ito sa mga paborito niyang nabili para sa kanyang bahay.
"Pinag-isipan ko talaga kasi ang mahal nito, P600,000. It's a statement." Ani Ivana sa limited edition na furniture na ito.
Narito ang kabuuan ng kanyang house tour mula sa kanyang YouTube channel na Ivana Alawi.
Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 18.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.
Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.
Kamakailan, ibinahagi ni Ivana ang dahilan kung bakit siya naospital. yon kay Ivana, tila ito na ang pinakamatagal na panahon na inilagi niya sa ospital. "Ngayon niyo lang makikita na ganito ang itsura ko... Day 6 sa hospital and day 6 na walang ligo," ani Ivana.
Idinetalye rin niya sa naturang vlog kung bakit lumaki ang kanyang tiyan na aakalain ng marami ay nagdadalang-tao siya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh