Ogie D, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Sancho sa maugong na hiwalayan ng inang si AiAi at Gerald

Ogie D, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Sancho sa maugong na hiwalayan ng inang si AiAi at Gerald

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang umano'y reaksyon ni Sancho sa maugong na hiwalayan ng inang si AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan

- Wala pa umanong detalye si Sancho sa nangyari na kanya pa ring inaalam

- Biyernes nang magbigay ng teaser si Boy Abunda sa magiging panayam niya kay AiAi sa kaarawan nito ngayong November 11

- Isa nga raw sa kanilang mapapag-usapan ay kung totoo ang nababalitang hiwalayan nina AiAi at Gerald makalipas ang 10 taon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nabanggit ni Ogie Diaz ang umano'y reaksyon ng panganay na anak ni AiAi Delas Alas na si Sancho.

Ogie D, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Sancho sa maugong na hiwalayan ng inang si AiAi at Gerald
Ogie D, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Sancho sa maugong na hiwalayan ng inang si AiAi at Gerald (@sanchovito)
Source: Instagram

Ito ay kaugnay sa nababalita ngayon at maugong na hiwalayan nina AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan.

Na-shock umano si Sancho sa nangyari subalit wala pang alam sa iba pang detalye ukol dito.

"Samantala, na-shock din ang panganay na anak ni AiAi sa nangyari. Malungkot si Sancho rito pero wala raw siyang idea sa naging desisyon ng Mama at stepdad niyang si Gerald. Tina-try pa raw niyang alamin kung ano ang naging problema. Pero nauna nang magdesisyon ang dalawa na maghiwalay na," ani Ogie Diaz.

Read also

Ogie Diaz, nabalitaang nagpapadala ng food ang mommy ni Dominic kay Sue

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng naturang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ai-Ai Delas Alas ay isang aktres at komedyante sa Pilipinas. Sa dami ng nagawa niyang pelikula, isa sa pinakatumatak na karakter niya ay bilang si Ina Montecillo sa serye ng pelikulang 'Ang Tanging Ina.' Sa naturang pelikula niya naging anak si Jiro Manio na maging sa totoong buhay ay trinato na niyang parang anak sa tulong na naibibigay nito sa dating aktor.

Matagal na panahon na ring namalagi si Aiai sa Amerika kasama ang mister na si Gerald. Sa naturang interview rin sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Ai-Ai na bumabalik lamang siya sa bansa kung mayroon siyang proyektong gagawin. Tulad na lamang ng pagbabalik telebisyon ng 'The Clash' sa GMA.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, nabanggit nito ang nabalitaang aso na lamang ang nadatnan ni AiAi nang minsan siyang magbalik sa kanilang tahanan sa Amerika. Ito ay kaugnay sa usap-usapang hiwalayan nina AiAi at Gerald na hinihintay na ng marami ang kumpirmasyon kung ito ba ay may katotohanan o may pinagdaraanan lamang ang dalawa sa kanilang buhay mag-asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica