Kiana Valenciano, umalma sa mga kritiko kaugnay ng refund Issue sa concert ng ama

Kiana Valenciano, umalma sa mga kritiko kaugnay ng refund Issue sa concert ng ama

  • Nagbigay ng reaksyon si Kiana Valenciano sa social media matapos ang isyu ng refund sa konsiyerto ng kanyang ama na si Gary Valenciano
  • Ipinaliwanag niya na naiintindihan niya ang hiling para sa refund ngunit hindi niya tinanggap ang mapanirang tono ng ilang komento
  • Maraming tagahanga ang nag-alala sa kalusugan ni Gary matapos siyang magkasakit noong unang gabi ng "Pure Energy: One More Time" concert
  • Naisagawa pa rin ni Gary ang ikalawang gabi ng konsiyerto sa kabila ng mga hamon sa kanyang kalusugan

Matapos maudlot ang unang gabi ng "Pure Energy: One More Time" concert ni Gary Valenciano noong Disyembre 20 dahil sa kanyang iniindang kalusugan, nagsalita ang anak niyang si Kiana Valenciano sa mga negatibong komento sa social media tungkol sa isyu ng refund.

Kiana Valenciano, umalma sa mga kritiko kaugnay ng refund Issue sa concert ng ama
Kiana Valenciano, umalma sa mga kritiko kaugnay ng refund Issue sa concert ng ama
Source: Instagram

Sa kanyang TikTok account, nagbahagi si Kiana ng mensahe ng pagmamalaki para sa kanyang ama, na nagpatuloy pa rin sa kanyang konsiyerto kahit na siya'y dumaranas ng matinding pagsusuka at dehydration.

Read also

54-anyos na good samaritan, nag-ala Santa Claus na namigay ng pamasko

Ngunit hindi lahat ay natuwa. May ilang netizens na humiling ng refund at tinawag na "drama" ang kanyang post. Tumugon si Kiana sa mga kritisismo, sinasabing "It's not drama. And you didn't pay me so don't demand a refund from me. If you were at the show

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

and you truly want a refund please reach out to his team."

Inamin din ni Kiana na naiintindihan niya ang gusto ng ilan na maibalik ang kanilang pera ngunit hindi niya tinanggap ang mapanirang tono ng ibang komento.

Sa kabila ng mga isyu, maraming tagahanga ang nagpahayag ng pag-aalala sa kalusugan ni Gary V. Sinagot ito ni Kiana sa pagsasabing, "I wish it were up to us. As his daughter, I wish he would just relax. But this is something that I cannot control. It's his decision. It's not like we force him to get on stage."

Ang "Pure Energy: One More Time" ay isang dalawang-gabing konsiyerto na ginanap sa Araneta Coliseum noong Disyembre 20 at 22. Sa kabila ng kanyang panghihina sa unang gabi, matagumpay na nairaos ni Gary ang ikalawang gabi ng palabas.

Read also

Pokwang, proud lola sa apat na taong gulang na apo sa anak na si Mae

Pinuri ng marami ang dedikasyon ni Gary Valenciano, na sa kabila ng mga dating karamdaman tulad ng tuberculosis, hepatitis, open heart surgery, at kidney cancer, ay patuloy pa ring nagpapamalas ng kanyang talento at inspirasyon sa mga tagahanga.

Si Gary Valenciano, na kilala rin bilang Gary V., ay isang kilalang mang-aawit, musikero, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Ilan sa kanyang mga sikat na kanta ay kasama ang "Take Me Out of the Dark," "Di Bale Na Lang," at "Natutulog Ba Ang Diyos?" Nakikilahok siya sa iba't ibang gawain ng charity, lalo na ang mga may kinalaman sa kalusugan at edukasyon.

Matatandaang nag-viral ang video ni Gary kamakailan. Makikita sa naturang video ang pagiging emosyonal ni Gary matapos siyang bisitahin ng anak na si Kiana Valenciano. Naiyak ito habang niyakap ang anak.

Samantala, nilinaw ni Gary na hindi pa umano siya magre-retire sa industriya ng showbiz. Ito ay matapos na maging kontrobersyal ng title ng kanyang concert sa darating na Abril.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate