Maggie Wilson, may binahaging quote tungkol sa 'katotohanan'

Maggie Wilson, may binahaging quote tungkol sa 'katotohanan'

- Nagbahagi si Maggie Wilson ng quote mula kay Winston Churchill sa Instagram na walang caption

- Napaisip ang mga tagasubaybay kung may kaugnayan ang mensahe sa kanyang personal na laban at legal na kaso laban sa dating asawang si Victor Consunji

- Matagal nang hindi nakikita ni Maggie ang kanyang anak na si Connor at naging tahimik siya sa isyu kamakailan

- Huling nakita si Connor sa kanyang post noong Mother’s Day na nagpakita ng halaga ng kanilang sandaling magkasama

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ng dating beauty queen at modelo na si Maggie Wilson ang isang malalim na pahayag mula kay Winston Churchill: “The truth is incontrovertible… Malice may attack it and ignorance may deride it, but, in the end, there it is.” Bagamat walang inilagay na ibang detalye si Maggie, napukaw nito ang interes ng kanyang mga tagasubaybay na mag-isip kung ang naturang quote ay may kaugnayan sa kanyang pinagdaraanan.

Read also

Rachel Carrasco, ibinahagi ang setup nila ni Victor Consunji at mga anak nila

Maggie Wilson, may binahaging quote tungkol sa 'katotohanan'
Maggie Wilson, may binahaging quote tungkol sa 'katotohanan'
Source: Instagram

Matagal nang hindi nakikita ni Maggie ang kanyang anak na si Connor at kasalukuyan siyang humaharap sa mga kasong isinampa ng kanyang dating asawa na si Victor Consunji. Bagamat bukas siya noon sa pagsasalita tungkol sa kanyang mga pagsubok, napansin ng marami ang kanyang katahimikan sa isyung ito sa mga nagdaang buwan.

Maggie Wilson, may binahaging quote tungkol sa 'katotohanan'
Maggie Wilson, may binahaging quote tungkol sa 'katotohanan'
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang huling post niya kasama ang anak na si Connor ay noong Araw ng mga Ina noong Mayo 12, kung saan ipinakita ang kahalagahan ng bawat sandali sa kabila ng mga hamon na kinakaharap niya.

Dahil sa mensahe ng quote tungkol sa katotohanan at katatagan, marami ang nag-akala na ito ay sumasalamin sa pananaw ni Maggie habang tinatahak niya ang mahirap na landas ng kanyang kasalukuyang sitwasyon.

Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Read also

Kris Aquino, kailangang mag physical therapy dahil sa payat ng kanyang binti

Sa kanyang Instagram stories, inilabas ni Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Conor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Conor.

Samantala, naglabas ng saloobin si Beth Wilson, ang kapatid ni Maggie kaugnay sa kanyang pinagdaanan. Unti-unti na umano siyang 'drained' physically, mentally at emotionally dahil sa lahat ng nangyari. Hiling niya umano sa Panginoon na sana ay matigil na ang aniya'y nonsense na nangyayari. Si Beth ang isa sa mga taong nasa bahay na sinabi ni Maggie na pinuntahan ng staff ng kanyang dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate