Rita Daniela, isinumite ang 'resibo' ng alegasyon niya laban kay Archie Alemania

Rita Daniela, isinumite ang 'resibo' ng alegasyon niya laban kay Archie Alemania

- Isinumite ni Rita Daniela ang text exchanges nila ni Archie Alemania bilang patunay sa reklamong acts of lasciviousness

- Pinirmahan at pinanumpaan ni Rita ang reklamo sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor, Cavite noong Miyerkules

- Nagpapahayag si Rita ng pagkadismaya sa ginawa umano ni Archie at sinasabing "disrespected and violated" ang kanyang naramdaman

- Pinaniniwalaan ng abogado ni Rita na ang "sorry" ni Archie ay isang implicit na pag-amin sa kasalanan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isinumite ng aktres na si Rita Daniela ang palitan ng kanilang text messages bilang patunay sa reklamong acts of lasciviousness na isinampa niya laban sa kapwa artista na si Archie Alemania. Ayon sa kanya, ang mga mensaheng ito ay nagsilbing ebidensya sa kanyang inihaing reklamo sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor, Cavite noong Miyerkules, October 30, 2024, at pirmado ito ni Associate City Prosecutor Timoteo Patricio Pineda Jr.

Read also

Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya

Rita Daniela, isinumite ang 'resibo' ng alegasyon niya laban kay Archie Alemania
Rita Daniela, isinumite ang 'resibo' ng alegasyon niya laban kay Archie Alemania
Source: Youtube

Parehong kabilang sina Rita at Archie sa primetime series ng GMA-7 na "Widows' War," kung saan tampok din sina Bea Alonzo at Carla Abellana. Sa sworn affidavit ni Rita, ikinuwento niya ang insidente noong September 9 ng madaling-araw, kung saan diumano'y pinagsamantalahan siya ni Archie matapos siyang ihatid nito sa bahay.

Ayon sa screenshot ng mga text message na ipinakita ni Rita, eksaktong 3:46 A.M. nang magpadala si Archie ng simpleng mensahe ng "Huy." Sagot ni Rita, bagama't nagpapasalamat siya sa paghatid sa kanya, hindi niya nagustuhan ang diumano'y pambabastos ng aktor. Ipinahayag pa niya ang kanyang nararamdaman, "i feel so disrespected and violated," at "u took advantage of the moment."

Pinapauwi na rin umano ni Rita si Archie sa kanyang sumunod na mensahe dahil hindi agad umalis ang sasakyan ng aktor sa tapat ng kanyang bahay, na nagdulot ng ingay mula sa mga aso sa kanilang paligid. Eksaktong 1:11 P.M. nang muli siyang makatanggap ng mensahe mula kay Archie na may simpleng paghingi ng paumanhin, "Sorry kagabi lasing na kuya mo."

Read also

Bianca Gonzalez, may inamin sa PBB Hosting: “I felt the most massive pressure this season”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa legal counsel ni Rita, maituturing umanong pag-amin sa ginawa ang nasabing paghingi ng sorry ni Archie. Aniya, "Clearly, therefore, the attached exchange of messages between myself and the Respondent wherein he apologized to me for what he did is an implied admission of his guilt that he indeed s3xually violated me," batay sa mga naunang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa implied admission of guilt.

Si Rita Daniel ay isang Pilipinang mang-aawit, aktres, at host sa telebisyon. Nagsimula ang kanyang karera matapos siyang tanghalin bilang kauna-unahang grand champion ng QTV's PopStar Kids at mas nakilala pa siya sa kanyang pagganap bilang Aubrey Palomares sa “My Special Tatay.”

Sa isang naunang ulat ng KAMI, ang anak ni Rita na si Uno ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan. Kasabay ng kanyang kaarawan noong Disyembre 22, si Baby Uno ay nagkaroon ng Christian dedication. Noong Enero 4, nag-post si Rita sa social media ng mga magagandang larawan mula sa nasabing selebrasyon. Sa mga larawang kuha ng Nice Print Photography, makikitang masaya si Uno sa kanyang “PAW Patrol”-themed na party.

Read also

Angelica Yulo, ibinida ang anak na si Eldrew Yulo sa pagkapanalo nito ng tatlong gold medal

Sa isa pang panayam kay Rita ni Boy Abunda, tinanong siya tungkol kay Julie Anne San Jose. Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong ni Boy kung nagseselos ba si Rita kay Julie Anne. Agad na sinagot ng celebrity mom, “Wala po, Tito Boy.” Matatandaang magkasama ang dalawang singer sa ‘Pop Star Kids,’ kung saan si Rita ang tinanghal na grand champion, habang si Julie Anne naman ay kabilang sa mga naging finalist.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate