Ana Jalandoni, pinabulaanang nagkabalikan na sila ni Kit Thompson

Ana Jalandoni, pinabulaanang nagkabalikan na sila ni Kit Thompson

- Pinabulaanan ni Ana Jalandoni ang napapabalitang nagkabalikan na sila ni Kit Thompson

- Ito ay matapos mag-viral ang pekeng post umano nila ni Kit na tila kinukumpirma ng kanilang relasyon

- Agad na inalam ni Ogie Diaz kung totoo nga ba ang mga kumakalat na post

- Sinabi rin ni Ana na mula nang mangyari ang kontrobersiya sa pagitan nila ng dating kasintahan, hindi na sila muling nag-usap

Nausisa ni Ogie Diaz si Ana Jalandoni, ang kontrobersyal na naging kasintahan ng aktor na si Kit Thompson.

Ana Jalandoni, pinabulaanang nagkabalikan na sila ni Kit Thompson
Ana Jalandoni, pinabulaanang nagkabalikan na sila ni Kit Thompson (@realanajalandoni)
Source: Facebook

Ito ay kaugnay sa kumakalat na umano'y posts at mga quote cards na nagsasabing nagkabalikan na sina Ana at Kit.

Masasabing pumukaw ng atensyon ang mga ito sa social media lalo na hindi maganda ang kinahinatnan ng relasyon ng dalawa na may kinalaman sa 'di umano'y pananakit ng aktor.

Minabuti ni Ogie na alamin kung may katotohanan ang pagbabalikan 'di umano ng dalawa.

Read also

Rita Daniela, sinampahan ng reklamo si Archie Alemania sa di-umano'y pambabastos

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kaya tinanong ko si Ana Jalandoni sa IG. At tinanong ko nga kung nagkabalikan na ba sila. Fake news daw 'yun. Wala raw siyang ganung sinasabi, wala raw siyang ganung quote. Tapos gawa-gawa lang daw yun ng mga tao. Kung hindi manira, gumawa ng kwento, o may mapag-usapan."

Natanong din ni Ogie Diaz si Ana kung magkaibigan manlang ba sila ng dating kasintahan, "'Di na kami nag-uusap," ang tanging nasabi nito.

Marso 17 noong 2022 nang gumulantang sa publiko ang marahas na sinapit ng model/actress na si Ana Jalandoni sa kamay ng nakarelasyon si Kit Thompson.

Marso 28 ng nasabing taon, nagpa-press conference na si Ana Jalandoni kaugnay sa kontrobersyal na pananakit umano sa kanya ni Kit na noo'y umamin na sa kanya ng anger management issues nito kaya naman napayuhan na rin niya itong kumunsulta na sa eksperto.

Read also

Sylvia Sanchez, umaasa makitang muli ang ama matapos ang dekada ng pagkakawalay

Kasama ang kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Ana na selos 'di umano sa dati niyang asawa ang naging ugat ng matinding pananakit sa kanya ng aktor. Hindi agad nakapagpalabas ng pahayag noon si Kit na nagbura na agad ng mga larawan nila ni Ana sa kanyang social media.

Samantala, si Kit Thompson ay isang aktor, model at TV host na unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012. Naging bahagi agad siya ng ilang programa sa ABS-CBN nang makalabas siya sa bahay ni Kuya sa parehong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica