Dating aktor na si John Wayne Sace, inaresto sa Pasig dahil sa pamamaril
- Naaresto ng Pasig Police si Sace, isang dating aktor at dancer sa ‘ASAP,’ matapos pagbabarilin ang isang lalaking si Eugenio gamit ang .45 caliber na baril
- Ayon sa mga imbestigador, mayroon umanong matagal nang hidwaan sa pagitan nina Sace at Eugenio na posibleng naging sanhi ng krimen
- Bago siya madakip, nag-post si Sace ng mga pahayag sa social media na nagpapakita ng matinding tensyon sa pagitan nila ng biktima
- Kasalukuyan siyang nasa Eastern Police District headquarters para sa paraffin test habang patuloy ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa insidente
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inaresto si John Wayne Sace matapos ang insidente ng pamamaril sa Pasig. Ayon sa ulat ng Pasig Police na ibinahagi ni Emil Sumangil ng 'Balitanghali,' ang biktimang si Eugenio ay binaril ng apat na beses gamit ang isang .45 caliber pistol bandang alas-7:30 ng gabi.
Ilang oras matapos ang krimen, nahuli si Sace sa isang hotel malapit sa lugar, batay sa lead na nakuha ng mga imbestigador. Nasamsam din ng mga awtoridad ang baril na ginamit sa insidente.
Ayon sa imbestigasyon, mayroong mga nakaraang alitan sa pagitan nina Sace at Eugenio, at pinaghihinalaang matagal na ang hidwaan sa pagitan ng dalawa na maaaring naging sanhi ng madugong komprontasyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Sace sa karahasan. Noong 2016, muntikan na rin siyang mamatay sa isang ambush sa Pasig, kung saan nasawi ang kanyang kasama.
Ngayong umaga, inilipat si Sace mula sa piitan papuntang Eastern Police District headquarters upang sumailalim sa paraffin test na makakatulong sa pagdetermina ng kanyang pagkakasangkot sa insidente. Patuloy ang imbestigasyon ng Pasig Police habang kumakalap pa ng karagdagang ebidensya sa kaso.
Si Sace, na dating Star Magic talent, ay naging popular bilang dancer sa 'ASAP' at sumikat sa teleseryeng ‘Guns and Roses’ noong 2011. Lumabas din siya sa indie film na 'Pintakasi.'
Noong nakaraang taon, buong tapang nang inamin ni John Wayne na nakasama siya umano sa watchlist ng 'Oplan Tokhang'. Sa panayam na iyon sa kanya sa Rated K, nabanggit niyang nais pa sana niyang makabalik sa showbiz kung bibigyan ng pagkakataon.
Samantala, buong tapang na inihayag ni John Wayne ang mga naganap sa kanyang buhay nang mawala sa showbiz. Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ni John Wayne ang pagkakalulong sa bisyo at iba pa pang hindi magagandang karanasan na kaakibat nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh