Sharon Cuneta, masayang nakitang muli ang kapatid ni Gabby Concepcion

Sharon Cuneta, masayang nakitang muli ang kapatid ni Gabby Concepcion

- Masayang nagkita muli si Sharon Cuneta at ang pamilya ng dating asawang si Gabby Concepcion sa kanilang reunion tour sa Estados Unidos at Canada

- Ibinahagi ni Sharon ang kanyang saya sa muling pagkikita kay Rina Concepcion, kapatid ni Gabby, matapos ang maraming taon

- Ang kanilang tour na pinamagatang "Dear Heart" ay may walong pagtatanghal sa iba’t ibang lungsod, kasabay ng kaarawan ni Gabby sa Nobyembre 5

- Nagsimula ang tour noong Oktubre 26 at magtatapos ito sa Nobyembre 29 sa Surrey, British Columbia

Masayang ibinahagi ni Sharon Cuneta ang muli niyang pagkikita sa pamilya ng dating asawang si Gabby Concepcion habang nasa kanilang reunion tour sa Estados Unidos at Canada.

Sharon Cuneta, masayang nakitang muli ang pamilya ni Gabby Concepcion
Sharon Cuneta, masayang nakitang muli ang pamilya ni Gabby Concepcion
Source: Instagram

Sa isang Instagram post, sinabi ni Sharon na ikinagalak niyang makita muli si Rina Concepcion, kapatid ni Gabby, matapos ang mahabang panahon. “Oh my goodness - I was so happy to see Gabby’s sister, Rina again after so many years! Now my ‘sister-out-law,’” biro ni Sharon, habang nagpapasalamat din sa pagsuporta ng pamilya ni Rina sa kanilang konsyerto.

Read also

Gerald Anderson, nagpasalamat sa naging bahagi ng paghatid ng donasyon sa Batangas

Ang reunion tour nina Sharon at Gabby, na pinamagatang "Dear Heart," ay kasalukuyang umiikot sa Estados Unidos at Canada sa kabuuang walong pagtatanghal, na sakto rin sa kaarawan ni Gabby sa Nobyembre 5. Unang itinakda ang tour na ito mas maaga ngayong taon, ngunit dahil sa mga conflict sa iskedyul, naantala ito ng halos walong buwan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagsimula ang tour noong Oktubre 26 sa Harrah’s Resort sa Southern California, na sinundan ng pagtatanghal sa Saban Theatre sa Beverly Hills noong Oktubre 27. Susunod ang kanilang show sa Nobyembre 2 sa Oakville, Ontario, Canada, at Nobyembre 15 sa Thunder Valley C^sino Resort sa Lincoln, California. Kasama sa mga huling stops ang Las Vegas sa Nobyembre 17, Winnipeg sa Nobyembre 21, Honolulu sa Nobyembre 23, at Surrey, British Columbia sa Nobyembre 29.

Read also

Jhong Hilario, binahagi ang video ng kanilang paghahanda sa Magpasikat

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt.

Nagdadalamhati si Sharon sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan at dating manunulat na si Manny Castañeda. Ibinahagi niya ang kanilang pinagsamahan mula pa noong 1986 sa kanyang show na "The Sharon Cuneta Show."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate