Miss Grand Myanmar, isinauli ang korona dahil sa aniya’y ‘dayaan’: "We didn’t get what we deserve"
- Ibinalik ni Miss Grand Myanmar Thae Su Nyein ang kanyang second runner-up crown sa Miss Grand International 2024 matapos kwestyunin ang integridad ng kompetisyon
- Sinabi ni Nyein sa kanyang no-makeup live broadcast na siya ay nasaktan sa resulta ng Country Power of the Year na napanalunan ni Miss Grand Thailand
- Iginiit ni Nyein na siya ang nakatanggap ng pinakamataas na bilang ng boto mula sa mga fans para sa mga kategoryang Country Power of the Year at National Costume
- Makikita umano ang ebidensya ng mga boto sa mga social media platform ng Miss Grand International Organization
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinalik ni Miss Grand Myanmar Thae Su Nyein sa Miss Grand International Organization ang kanyang korona bilang second runner-up matapos maniwalang nagkaroon ng pandaraya sa mga parangal na National Costume at Country Power of the Year.
Sa kanyang no-makeup live broadcast sa social media noong Linggo, Oktubre 27, 2024, inilahad ni Nyein ang kanyang saloobin ukol sa pagkapanalo ni Miss Grand Thailand Malin Chara-anan sa parangal na Country Power of the Year.
"I give back my second runner-up crown just because we didn’t get what we deserve— our National Costume prize, our Country Power of the Year, not the winner crown,”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Nyein, nasaktan siya sa desisyon ng Miss Grand International dahil siya umano ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto mula sa mga fans para sa naturang kategorya, bagay na makikita raw sa mga opisyal na social media platform ng MGI Organization.
Idiniin din ni Nyein na siya rin ang nanguna sa fan votes para sa National Costume category, ngunit hindi siya napabilang sa mga nanalo sa nasabing parangal.
Ang Miss Grand International ay isang prestihiyosong beauty pageant na itinatag noong 2013. Ang patimpalak na ito ay naglalayong hindi lamang maghanap ng pinakamagandang kababaihan mula sa iba't ibang bansa kundi pati na rin upang itaguyod ang mga adbokasiya sa kapayapaan at pagbabago sa lipunan.
Matatandaang ang pahayag ni Nawat Itsaragrisil laban sa kinatawan ng Pilipinas na si Nikki de Moura na lumabas sa TikTok at iba pang social media platforms ay naging viral.
Hindi nagustuhan ni Miss Grand International founder na si Nawat Itsaragrisil ang lumabas na video ni MJ Lastimosa ang isang vlog ni MJ Lastimosa. Sinabihan niya si MJ na huwag itong pupunta sa MGI at pinuputol na nito ang kanilang pagkakaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh