Paulo Avelino, suportado ang grupo ni Kim Chiu Magpasikat
- Napanood ni Paulo Avelino ang buwis-buhay na performance ni Kim Chiu sa "Magpasikat" ng It’s Showtime at halos himatayin sa kaba
- Ibinahagi ni Paulo sa kanyang X post na tumutok din siya at nanood ng performance nina Kim
- Tumugon si Kim sa mga komento ng mga netizens sa kanyang buwis-buhay na aerial stunt
- Maraming fans ang nabahala rin pero nagpapasalamat na natapos ang performance ni Kim nang walang aksidente
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi lamang ang netizens at mga solid fans ni Kim Chiu ang namangha sa buwis-buhay na aerial performance sa "Magpasikat" segment ng It’s Showtime ngayong hapon, kundi maging ang kanyang ka-loveteam na si Paulo Avelino.
Ayon sa kanyang post sa X (dating Twitter), makikita na tinutukan ni Paulo ang performance ng grupo nila Kim na kinabilangan nina Ogie Alcasid, MC at Lassy.
Makikita sa isang bahagi ng performance ni Kim ang kanyang paglambitin sa ere at lumipad patungo sa kanyang kapareha, na idinuduyan siya bago ito binitiwan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Tulad ni Paulo, maraming mga tagahanga ni Kim ang hindi rin mapigilang kabahan. Ayon sa ilan, “Ipinagdasal ko siya habang nanonood ako” at “Napasigaw ako, ang puso ko! Kaya pala naka-bantay si P kahit sa TV lang.”
Sa kabila ng mga alalahanin, nagpapasalamat ang mga solid fans ni Kim na natapos ang performance nito nang walang anumang aksidente. Ayon sa ilang ulat, ang matinding paghahanda ni Kim para sa kanyang lumilipad na performance ang dahilan kung bakit na-ambulansya ang aktres-host nitong mga nakaraang araw.
Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh