Kim Chiu, umani ng papuri sa kanyang buwis-buhay na Magpasikat performance
- Umani ng iba't ibang reaksyon si Kim Chiu sa kanyang buwis-buhay na "Magpasikat" performance para sa ika-15 anibersaryo ng It’s Showtime
- Nagbahagi si Kim ng emosyonal na monologue tungkol sa pagkapagod at paghihirap sa kanyang trabaho
- Nagpakitang gilas siya sa aerial stunts habang inaawit ni Morissette Amon ang kantang "Isa Pang Araw"
- Ang pagtatanghal ng grupo nina Ogie Alcasid, Lassy Marquez, at MC Muah ay may temang pagpapahinga at mental health
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Umani ng iba't ibang reaksyon ang aktres at TV host na si Kim Chiu matapos ang kaniyang buwis-buhay na performance sa "Magpasikat" segment ng It’s Showtime ngayong Oktubre 22, 2024. Sa harap ng mga manonood, ipinakita ni Kim na kahit nasa rurok ng tagumpay ang kanyang showbiz career, siya rin ay napapagod tulad ng iba.
Sa kanyang monologue, emosyonal na ibinahagi ni Kim ang hirap at pagod na nararanasan sa kanyang trabaho: “Ginagawa ko naman ang lahat. Binibigay ko ang higit pa sa dapat. Pero bakit kahit ano ang gawin ko, kulang na kulang pa rin sa inyo. Pitong araw sa isang linggo nagtatrabaho ako, dahil ayoko kayong ma-disappoint. Pinagdasal ko ito, pinangarap ko ito. Pero tao rin ako, napapagod din.”
Kasunod ng kanyang monologue, nagsimula ang kanyang intense aerial performance sa kantang "Isa Pang Araw," na live na inawit ng special guest na si Morissette Amon. Nakita si Kim na nagsasagawa ng trapeze stunts, sumisirko sa ere habang nakasabit sa tali, at nagpakita ng matinding physicality na pumukaw sa emosyon ng mga manonood.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa pagtatapos ng pagtatanghal, bumagsak siya sa sahig at humagulgol, sabay tanong, “Kumusta ka ba? Okay ka lang ba? Kaya pa ba? Yung totoo?” Naging sentro ng performance ang mga tanong na ito, na humugot ng damdamin tungkol sa mental health at pagpapahinga.
Kasama nina Kim sa pagtatanghal ang mga co-hosts na sina Ogie Alcasid, Lassy Marquez, at MC Muah Calaquian, na nagbigay din ng kani-kanilang bahagi ng musical performance. Ang kanilang pagtatanghal ay parte ng ika-15 anibersaryo ng It’s Showtime, kung saan itinampok ang tema ng pagpapahinga at pag-aalaga sa sarili—isang follow-up sa madamdaming "Magpasikat" performance ng Team Vice kahapon na tumalakay sa pag-asa.
Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo.
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh