Diwata, sinagot ang komento ng netizen tungkol sa umano’y ‘pagpapakitang-tao’

Diwata, sinagot ang komento ng netizen tungkol sa umano’y ‘pagpapakitang-tao’

- Sinagot ni Diwata ang puna ng netizen na nagsabing "pagpapakitang-tao" lamang ang kanyang pagsali sa isang Zumba event

- Nagbahagi si Diwata ng video kung saan aktibo siyang nakilahok sa naturang event, na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens

- Nagkomento ang isang netizen na mas mabuting huwag nang ituloy ni Diwata ang kanyang plano sa pulitika dahil sa umano'y "pakitang-tao" niyang pagkilos

- Tinugunan ni Diwata ang puna ng netizen sa pagsasabing “tuloy ang laban”

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbahagi si Diwata ng isang video sa social media kung saan aktibo siyang nakilahok sa isang event na may Zumba session. Sa video, makikita ang masigla niyang pakikibahagi at pakikisama sa mga dumalo, bagay na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.

Diwata, sinagot ang komento ng netizen tungkol sa umano’y ‘pagpapakitang-tao’
Diwata, sinagot ang komento ng netizen tungkol sa umano’y ‘pagpapakitang-tao’
Source: Facebook

Habang maraming komento ang nagpapahayag ng suporta, may ilan ding mga kritikal na reaksyon, kabilang ang isang komento na tila pinagdududahan ang intensyon ni Diwata sa kanyang paglabas sa publiko.

Read also

Pia Wurtzbach: "Ultimately, staying true to yourself is what matters"

Isang netizen ang nagbigay ng payo kay Diwata na itigil na ang kanyang mga plano sa pulitika. Ayon sa komento, “Wag muna pag patuloy mga plano ndi ka mananalo 😂 Kung umpisa plng maayos ka nkisama sa tao, ngaun papakitang tao ka.” Ang pahayag na ito ay tila nagpapahiwatig na ang kasalukuyang ginagawa ni Diwata ay isang anyo ng ‘pagpapakitang-tao’ lamang at hindi tunay na pagmamalasakit sa publiko.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng puna, kalmado at positibong sinagot ni Diwata ang komento. Sa simpleng tugon niyang, “tuloy ang laban😂”, malinaw ang kanyang kumpiyansa at determinasyon na ituloy ang kanyang mga plano.

Diwata, sinagot ang komento ng netizen tungkol sa umano’y ‘pagpapakitang-tao’
Diwata, sinagot ang komento ng netizen tungkol sa umano’y ‘pagpapakitang-tao’
Source: Facebook

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Read also

Roxanne Ginoo, alagang-alaga ang amang nagkaroon ng cellulitis

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: