Manliligaw ni Fyang, nagpost matapos ang pagsabi nyang ititigil nya na ang panliligaw sa dalaga

Manliligaw ni Fyang, nagpost matapos ang pagsabi nyang ititigil nya na ang panliligaw sa dalaga

- Nagabahagi ng isang Facebook reel si Sean Panganiban kasunod ng kanyang pagtigil ng panliligaw kay Fyang Smith

- Matatandaang sa isang episode ng Pinoy Big Brother: Gen 11 ay nagkausap ang dalawa kung saan inamin ni Sean na nasasaktan siya na makita si Fyang na malapit sa kanyang housemates

- Sa kabila ng kanyang pagsabi na titigil na lang niya ang kanyang panliligaw ay sinabi niyang patuloy ang kanyang pagsuporta kay Fyang

- Inamin ni Sean na nagkamali siya dahil nagpadala siya sa kanyang naramdamang sakit sa kanyang mga napapanood lalo na nang sabihin ni Fyang na walang karapatan si Sean dahil manliligaw pa lang naman siya

Nagbahagi ng isang Facebook reel si Sean Panganiban, ang dating masugid na manliligaw ni Fyang Smith, matapos niyang ipahayag ang kanyang desisyon na itigil na ang panliligaw sa dalaga. Ang nasabing reel ay naglalaman ng kanyang mensahe ng pasasalamat at suporta para kay Fyang, na aniya’y mananatili sa kabila ng kanyang pag-urong.

Read also

Toni Gonzaga, emosyonal sa kwento ni Julius Manalo ukol sa inang hinanap sa loob ng 31 taon

Manliligaw ni Fyang, nagpost matapos ang pagsabi nyang ititigil nya na ang panliligaw sa dalaga
Manliligaw ni Fyang, nagpost matapos ang pagsabi nyang ititigil nya na ang panliligaw sa dalaga
Source: Youtube

Sa kanyang binahaging reel ay makikita si Sean na nasa puntod ng kanyang Lolo at Lola. Aniya, sa panahong may pinagdadaanan siya ay nami-miss niya sila.

Sa isang episode ng Pinoy Big Brother: Gen 11, naibulalas ni Sean ang kanyang saloobin kay Fyang. Aminado si Sean na nasasaktan siya tuwing nakikita ang dalaga na malapit sa kanyang ibang housemates. Bagama't inamin ni Sean na masakit ang kanyang nararamdaman, nagpasiya siyang magparaya at bumitiw na lamang upang hindi makasagabal kay Fyang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naging emosyonal ang tagpo nang ipahayag ni Sean ang kanyang desisyon. Nabanggit niyang nagkamali siya nang hayaang magpadala sa selos at sakit ng kanyang naramdaman, lalo na nang diretsahang sinabi ni Fyang na "wala kang karapatan" dahil manliligaw pa lamang siya.

Sa video, makikitang hindi napigilan ni Fyang na maiyak matapos marinig ang mensahe ni Sean.

Read also

Kapatid ni Jay Manalo, idinetalye ang pagkikita nila ng inang Korean makalipas ang 31 taon

Ang Pinoy Big Brother: Gen 11 ay ang ikalabing-isang regular na season ng sikat na reality TV show na Pinoy Big Brother (PBB) sa Pilipinas. Katulad ng mga naunang season, nagtatampok ito ng iba't ibang housemates mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may iba’t ibang personalidad, layunin, at kwento ng buhay.

Matatandaang iInutusan ni Kuya ang mga housemates ng Pinoy Big Brother na "lumikas" agad mula sa bahay. Nangyari ito sa episode ng PBB Gen 11 noong Setyembre 30. Agad na lumabas ng bahay ang mga natitirang housemates na sina Binsoy, JP, Fyang, Kolette, Rain, Kai, at JM. Samantala, tahimik lamang na nagmamasid ang mga House Challengers sa loob ng PBB House.

Nag-post si Jas Scales ng isang TikTok video habang sumasayaw sa kantang "Breaking News" ni Flowerovlove. Kahit na nagkamali siya at nakaligtaan ang isang bahagi ng sayaw, naging viral pa rin ang kanyang video. Sa kasalukuyan, umabot na sa 6.8 milyon ang views ng kanyang TikTok dance video. Nilagyan pa niya ng caption ang video, "Ay mali, uulitin ko 'to promise. Inlove with the song & dance!!"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: