Vice Ganda, Dumalo sa Konsyerto sa Palasyo: 'Malaking tulong ito!'
- Dumalo si Vice Ganda sa Konsyerto sa Palasyo na ginanap sa Kalayaan Hall Grounds, Malacañang Palace noong Disyembre 15
- Muling sasabak si Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang "And The Breadwinner Is..." na ipapalabas sa Disyembre 25
- Nagbigay ng reaksiyon si Vice Ganda sa hakbang ng Palasyo sa pagbuhay ng pelikulang Pilipino na tinawag niyang malaking tulong
- Pasok sa listahan ng highest-grossing films sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ang mga pelikula ni Vice Ganda
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isa sa mga bigating bituin na dumalo sa ginanap na Konsyerto sa Palasyo ngayong Linggo, Disyembre 15, sa Kalayaan Hall Grounds, Malacañang Palace, Maynila ay ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Bukod dito, muling babalik si Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa darating na Pasko para sa kaniyang pelikulang "And The Breadwinner Is..." na ipapalabas na sa Disyembre 25.
Sa pamamagitan ng isang ambush interview ng PTV, nagbigay ng kaniyang reaksiyon si Vice Ganda patungkol sa naturang konsyerto na pinangunahan nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ayon kay Vice, labis niyang na-appreciate ang hakbang na ito ng Palasyo na naglalayong buhayin ang pelikulang Pilipino na aniya’y patuloy na humaharap sa matinding hamon.
"Pero sa ngayon na-aappreciate namin ito, malaking tulong ito lalo pa't talagang naghihingalo ang pelikulang Pilipino, anumang tulong ay talagang ma-aappreciate nating lahat," ani Vice Ganda.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Muling nagbabalik si Vice Ganda sa taunang MMFF na inaabangan ng maraming Pilipino. Ang kaniyang mga pelikula ay kabilang sa "highest-grossing films" sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, na patunay ng kaniyang hindi matatawarang hatak sa takilya. Inaasahang muling magtatagumpay ang "And The Breadwinner Is..." sa pagpasok nito sa Pasko.
Ang presensya nina Vice Ganda, Sharon Cuneta, at iba pang personalidad sa nasabing konsyerto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at suporta sa pagbuhay ng lokal na industriya ng pelikula at musika.
Mapapanood ang pelikulang "And The Breadwinner Is..." sa mga sinehan simula Disyembre 25, kasabay ng taunang Metro Manila Film Festival.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Hindi nag-atubili si Vice Ganda na magtanggal ng kanyang wig upang ipadama sa kalahok sa Expecially for You na si April. Ani Vice, hindi na siya taong affected sa mga taong napapangitan sa kanya pag wala syang wig.
Binatikos ng netizens ang Cebu-based LGBTQIA+ writer dahil sa pagagalit sa food server na tumawag sa kanya ng "Sir". Ikinumpara ng netizens ang insidente sa karanasan ni Vice Ganda na tinawag ding "Sir" pero tinanggap lang niya ito nang walang galit.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh