Dindo Balares, may paglilinaw tungkol sa bali-balitang ikakasal na si Kris Aquino

Dindo Balares, may paglilinaw tungkol sa bali-balitang ikakasal na si Kris Aquino

- Nilinaw ni Dindo Balares, isang malapit na kaibigan ni Kris Aquino ang mga bali-balitang ikakasal na si Kris sa kanyang kasintahang doktor

- Ipinaabot ni Kris kay Dindo na walang katotohanan ang tsismis na magaganap ang kasal sa isang outdoor venue na puno ng halaman

- Paliwanag ni Kris, may asthma at Chronic Spontaneous Urticaria siya, kaya’t hindi posible ang ganitong lugar para sa isang kasal

- Sinabi ni Kris na dapat maniwala lamang ang publiko sa mga pahayag nina Dindo o Ogie Diaz kaugnay sa totoong update sa kanya

Naglabas ng pahayag si Dindo Balares, malapit na kaibigan ni Kris Aquino kaugnay ng mga kumakalat na balitang ikakasal na umano si Kris sa kanyang kasintahang doktor.

Dindo Balares, may paglilinaw tungkol sa bali-balitang ikakasal na si Kris Aquino
Dindo Balares, may paglilinaw tungkol sa bali-balitang ikakasal na si Kris Aquino
Source: Instagram

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Dindo ang palitan nila ng mensahe ni Kris, kung saan malinaw na tinanggi ni Kris ang tsismis na ito, lalo na ang ideyang magaganap ang kasal sa isang outdoor venue na puno ng halaman.

Read also

Teacher, emosyonal na ibinahagi ang kakaibang regalong natanggap

Sa mensahe ni Kris kay Dindo, inisa-isa niya ang mga kadahilanan kung bakit imposible para sa kanya ang magdaos ng ganitong kasalan. Aniya, ang kanyang kondisyon—adult onset asthma at Chronic Spontaneous Urticaria—ay nangangailangan ng pag-iwas sa direktang sikat ng araw at mga halaman.

Dagdag pa ni Kris, siya ay labis na allergic sa mga puno, lalo na sa damo, na nagiging sanhi ng kanyang allergic rhinitis at asthma. Binanggit din niya na maging ang kanyang anak na si Bimby ay may asthma, kaya’t imposibleng magdaos sila ng kasal sa isang lugar na puno ng halaman o damo, maging ang astroturf.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinabi pa ni Kris na kung totoong malapit sa kanya ang nagpasimuno ng tsismis, dapat ay alam nito ang kanyang mga kalagayan at limitasyon. Iminungkahi niya rin na maniwala lamang ang mga tao sa mga pahayag nina Dindo o ng kumpare niyang si Ogie Diaz kung may tunay na balitang nais ibahagi sa publiko. Dagdag niya, “Dapat maniwala lang sila kung ikaw o si Pareng Ogie ang mag-giveaway ng blind item.”

Read also

44-Anyos na babae brutal na pinatay sa Sara, Iloilo; stepdaughter, ginahasa ng suspek

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
iiq_pixel