Ogie Diaz sa bagong management ni Liza Soberano: "From Careless, Wild na!"

Ogie Diaz sa bagong management ni Liza Soberano: "From Careless, Wild na!"

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang pangalan ng bagong humahawak sa career ni Liza Soberano

- Kamakailan ay kinumpirma ng Careless PH na wala na umano sa kanilang poder si Liza

- Kinumpirma rin ito ng CEO ng Careless PH na si James Reid nang makapanayam siya ni Ogie Diaz

- Matatandaang si Ogie Diaz ang unang naging manager ni Liza bago ito tuluyang sumabak sa International scene

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naibahagi ni Ogie Diaz ang pangalan ng bagong management na humahawak na umano ngayon ng career ni Liza Soberano.

Ogie Diaz sa bagong management ni Liza Soberano: "From Careless, Wild na!"
Ogie Diaz sa bagong management ni Liza Soberano: "From Careless, Wild na!" (@lizasoberano)
Source: Facebook

Ito ay matapos na kumpirmahin din kamakailan ng Careless PH management kung saan CEO si James Reid na hindi na umano sila ang namamahala sa showbiz career ng aktres.

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update nasabing "Wild" ang pangalan ng management na may hawak ngayon kay Liza.

Read also

Ogie Diaz, sa patuloy na kumakalat ng fake news: "I-report niyo na!"

"Si Liza Soberano, from Careless wild na," ani Ogie. "I mean Wild 'yung pangalan ng management group doon sa Singapore. Ibig sabihin, wala na talaga sa Careless si Liza at siya ngayon ay nasa Wild na," paglilinaw pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa Singapore umano nakabase ang management na ito kaya naman nagtaka si Mama Loi kung paano na ang Hollywood dream ng aktres kung sa Singapore umano ito.

"E baka meron narin naman silang koneksyon doon sa Hollywood na dream talaga ni Liza," giit ni Ogie.

Aniya, nangangahulugang wala na talaga si Liza sa Careless.

"I mean Wild 'yung panagalan ng management niya sa Singapore. Ibig sabihin, wala na talaga si Liza sa Careless."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Liza Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Read also

44-Anyos na babae brutal na pinatay sa Sara, Iloilo; stepdaughter, ginahasa ng suspek

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Kamakailan, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito.

Sinundan naman ito ng naging pahayag ni Ogie Diaz, na dating talent manager ni Liza kung saan nasabi nitong nanghihinayang umano siya sa naiwang career ng dating alaga sa Pilipinas. Sana'y itinuloy pa rin niya ito habang patuloy na sumusubok sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica