Carmina Villaroel, nagsalita tungkol sa sinasabing 'pakialamerang nanay' sya

Carmina Villaroel, nagsalita tungkol sa sinasabing 'pakialamerang nanay' sya

- Sinagot ni Carmina Villaroel ang tungkol sa akusasyon sa kanya na isa siyang pakialamerang ina

- Aminado siyang masakit na nakakatanggap sila ng mga panghuhusga mula sa ibang tao

- Aniya, kung pakialamera siya ay wala sa showbiz ang kanyang mga anak dahil mas gugutuhin niyang wala sa showbiz ang mga anak

- Gayunpaman, dahil supportive siya sa mga anak niya ay sinuportahan niya ang kagustuhan ng kanyang mga anak

Sinagot ni Carmina Villaroel ang mga akusasyon na isa siyang pakialamerang ina sa buhay ng kanyang mga anak, sina Mavy at Cassy Legaspi, na parehong nasa showbiz.

Carmina Villaroel, nagsalita tungkol sa sinasabing 'pakialamerang nanay' sya
Carmina Villaroel, nagsalita tungkol sa sinasabing 'pakialamerang nanay' sya
Source: Instagram

Sa isang panayam na binahagi ni sa Facebook page na 'Very W^ng', inamin ni Carmina na masakit ang makaranas ng mga panghuhusga mula sa ibang tao. Ayon sa kanya, bilang isang ina, natural lamang na may malasakit siya sa mga desisyon at karera ng kanyang mga anak, ngunit hindi ibig sabihin nito na nakikialam siya sa bawat aspeto ng kanilang buhay.

Read also

Dating basketball player at actor na si Raul Dillo, proud na nagtitinda ng longganisa

Aniya, kung pakialamera siya ay wala sa showbiz ang kanyang mga anak dahil mas gugutuhin niyang wala sa showbiz ang mga anak. Gayunpaman, binigyang-diin ng aktres na bilang isang supportive na magulang, kinikilala niya ang kagustuhan ng kanyang mga anak at buo ang kanyang suporta sa kanilang mga pangarap at karera.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng mga intriga, nananatili si Carmina na matatag sa kanyang paniniwala na mahalaga ang pagbibigay ng gabay sa mga anak, habang hinahayaan silang magdesisyon para sa kanilang sariling buhay.

Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi.

Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ni Carmina ang mga naging kasagutan ng kanyang mister na si Zoren sa ilang mga katanungan. Kabilang na dito ang tungkol sa umano'y pinakapaboritong bahagi nito sa kanilang kasal. Ani Zoren, iyon ay ang paglalakad ni Carmina sa aisle dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman noong mga panahong iyon - Dito na nagsimulang balikan ni Zoren ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding na may kinalaman pala sa ama ni Carmina.

Read also

Yasmien Kurdi, sinugod sa ER: "Naka-steroids ako ngayon"

Naitanong ni Carmina ang ilan sa mga katanungan para sa kanyang aswang si Zoren Legaspi sa isang vlog. Kabilang dito ay kung handa na ba ito na magkaroon ng karelasyon ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Aminado si Zoren na hindi pa siya handa at nagbigay pa ito ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya'y nakaugalian kaya maagang namumulat ang mga bata sa pakikipagrelasyon. Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate