Kim Chiu, nakaharap si KC Concepcion Kalokalike; nagbiruan tungkol kay Paulo Avelino

Kim Chiu, nakaharap si KC Concepcion Kalokalike; nagbiruan tungkol kay Paulo Avelino

- Kinaaliwan ng mga manonood ang masayang tagpo sa It's Showtime nang harapin ni Kim Chiu ang isang KC Concepcion look-alike contestant

- Nagbiro si Kim at kunwaring tinanong ang contestant tungkol kay Paulo Avelino, na ex-boyfriend ni KC

- Madalas mamataan sina Kim at Paulo na magkasama ngunit wala pang pormal na pag-amin sa estado ng kanilang relasyon

- Nagtambal sina Kim at Paulo sa seryeng Linlang at Philippine adaptation ng What's Wrong with Secretary Kim

Kinaaliwan ng mga manonood ang isang masayang segment ng It's Showtime nang makaharap ni Kim Chiu ang isang Kalokalike contestant na kamukha ni KC Concepcion. Sa nasabing episode, napagkatuwaan ng mga hosts na iwan sina Kim at ang KC look-alike contestant para mag-usap, na siyang naging daan para magbiro si Kim sa contestant.

Kim Chiu, nakaharap si KC Concepcion Kalokalike; nagbiruan tungkol kay Paulo Avelino
Kim Chiu, nakaharap si KC Concepcion Kalokalike; nagbiruan tungkol kay Paulo Avelino
Source: Youtube

Game na sinakyan ni Kim ang sitwasyon at kunwaring tinanong ang contestant tungkol kay Paulo Avelino, na siyang ex-boyfriend ni KC. Ang nakakatawang tagpo ay agad na umani ng tawa mula sa mga manonood atkanyang kapwa hosts ng programa.

Read also

Doc Willie Ong, tatakbo bilang Senador sa kabila ng laban sa kanser

Bagaman madalas mamataan na magkasama sina Kim at Paulo sa ilang mga litrato, hanggang sa ngayon ay wala pang pormal na pag-amin mula sa dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang nagtambal sina Kim at Paulo sa seryeng Linlang at kinalaunan ay muling nagsama sa Philippine adaptation ng Korean drama series na What's Wrong with Secretary Kim. Ang kanilang tambalan ay kabilang sa mga paborito ng kanilang mga fans at patuloy na sinusuportahan.

Patuloy pa ring inaabangan ng mga tagahanga kung magkakaroon ng anumang pag-amin mula kina Kim at Paulo tungkol sa kanilang relasyon, lalo na’t mainit na usap-usapan ang kanilang chemistry sa mga proyektong pinagsamahan.

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.

Read also

Lolong inatake sa puso, sinaklolohan ng tattoo artist na ‘di niya kakilala

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate