Dating basketball player at actor na si Raul Dillo, proud na nagtitinda ng longganisa

Dating basketball player at actor na si Raul Dillo, proud na nagtitinda ng longganisa

- Dating basketball player at aktor na si Raul Dillo, nagtutinda ng longganisa sa Cavite upang suportahan ang kanyang pamilya

- Ibinabahagi ni Raul sa Facebook ang kanyang araw-araw na pagtitinda ng longganisang bawang

Marami ang nagbigay ng suporta at paghanga sa kanya sa social media dahil sa kanyang sipag at determinasyon

Sumikat si Raul noong dekada '90 bilang aktor sa mga pelikulang comedy at horror, at huling napanood sa teleseryeng “FPJ's Batang Quiapo”

Tila marami ang naantig sa kwento ng dating University of the East (UE) basketball player at aktor na si Raul Dillo matapos kumalat sa social media na siya'y nagtutinda na ngayon ng longganisa sa gilid ng highway sa Cavite.

Dating basketball player at actor na si Raul Dillo, proud na nagtitinda ng longganisa
Dating basketball player at actor na si Raul Dillo, proud na nagtitinda ng longganisa
Source: Facebook

Sa kanyang mga pang-araw-araw na post sa Facebook, ibinabahagi ni Raul ang kanyang kasalukuyang pinagkakakitaan—ang pagtitinda ng longganisa sa iba't ibang bahagi ng Cavite.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Doc Willie Ong, may pakiusap sa TV5: "Baka pwedeng ayusin nyo naman ito"

Makikita sa mga post ni Raul na ibinibida niya ang kanyang tinitindang longganisang bawang, at ilang mga tagahanga na nakakakilala pa rin sa kanya ang bumibili sa kanya.

Bumuhos ang paghanga at suporta mula sa mga netizens sa comment section ng kanyang mga post.

Sa isang panayam sa One News PH, sinabi ni Raul na hindi nagtagal ang kanyang career sa basketball sa kabila ng kanyang tangkad dahil sa natamo niyang injury, na naging sanhi ng kanyang pagbagal sa court.

Huling napanood si Raul sa telebisyon sa teleseryeng “FPJ's Batang Quiapo,” kung saan ginampanan niya ang papel bilang armadong tauhan ni Lorna Tolentino. Ayon kay Raul, si Coco Martin mismo ang tumawag sa kanya para maging bahagi ng nasabing teleserye.

Matatandaan na sumikat si Raul noong dekada '90 matapos makilala sa kanyang pagganap sa ilang horror at comedy films. Ilan sa mga pelikulang naging proyekto niya ay "Tong Tamal Tamal Kong Pakitong-Kitong" kasama sina Redford White, Babalu, at Bonel Balingit.

Read also

Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanya

Pinuntahan ni Bernadette Sembrano ang tinitirhan ni Raul Dillo na nakilala bilang Pinoy Kapre o Frankenstein sa mga Pinoy movies at mga palabas. Natupad na ang isang hiling niya na magkaroon ng trabaho dahil napabilang na siya sa 'FPJ's Batang Quiapo. ' Hindi nito napigilan ang emosyon nang makita ang sorpresa ni Bernadette at ng kanyang asawa na isang tricycle.Lubos ang kanyang pasasalamat dahil aniya ay may service na sila lalo na sa pagsundo ng anak sa paaralan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate