Sandro Muhlach, sinorpresa ng kanyang ina na bumiyahe mula pang Amerika

Sandro Muhlach, sinorpresa ng kanyang ina na bumiyahe mula pang Amerika

- Nagalak si Sandro Muhlach matapos sorpresahin ng kanyang inang si Edith Millare na nakabase sa Estados Unidos

- Naging emosyonal si Millare nang mahigpit niyang niyakap ang anak matapos ang kanilang biglaang pagkikita

- Ibinahagi ni Sandro sa Instagram ang pasasalamat niya sa ina, na itinuturing niyang "strongest woman"

- Kasalukuyang nasa legal na laban si Sandro laban sa dalawang independent contractors na inakusahan ng pang-aabuso

Hindi mapigilan ni Sandro Muhlach ang kanyang tuwa matapos sorpresahin ng kanyang ina, si Edith Millare, na nakabase sa Estados Unidos. Ayon sa aktor, si Millare.

Sandro Muhlach, sinorpresa ng kanyang ina na bumiyahe mula pang Amerika
Sandro Muhlach, sinorpresa ng kanyang ina na bumiyahe mula pang Amerika (@sandromuhlach | Instagram)
Source: Instagram

Ito daw ang kanyang “constant source of strength and comfort” sa gitna ng kanyang pinagdadaanan.

Sa video na ibinahagi ni Sandro sa kanyang Instagram account, makikitang nakaupo siya sa isang restaurant nang biglang lapitan siya ni Millare, na noo’y nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Nilapitan ng kanyang ina si Sandro at tinakpan ang kanyang mga mata, at nang alisin ni Millare ang kanyang mga kamay, tila nagulat at natulala si Sandro, hindi makapagsalita. Naging emosyonal si Millare at mahigpit na niyakap ang kanyang anak.

Read also

Amy Nobleza, nagtapos sa kolehiyo bilang Magna Cùm Laude; pinasalamatan si Vice Ganda

Sa caption ng naturang post, nagpahayag si Sandro ng taos-pusong pasasalamat sa kanyang ina, na tinawag niyang "strongest woman" sa kanyang buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Thank you for being there for me during one of the hardest times in my life. Your love, care, and presence meant more to me than I can ever fully express. When I felt overwhelmed by my trauma, you were a constant source of strength and comfort. I’m still finding my way, but I feel stronger knowing that I have you by my side. I hope you know how much I appreciate everything you’ve done not just during this time, but always. Thank you for surprising me even it's your birthday. Youre the best mom i could ever ask for.

Ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Isa siya sa mga batang artista noong dekada '70 at '80 na sumikat sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikula.

Read also

Yasmien Kurdi, binahagi ang video ng anak na si Ayesha sa ospital

Matatandaang tatlong hotel ang nagsumite ng mga kopya ng CCTV sa NBI kaugnay ng kaso ni Sandro Muhlach. Ang mga footage ay mula sa mga hotel na pinuntahan ni Muhlach bago at pagkatapos ng umano'y pangmomolestya.

Kinuwestiyon naman ni Senator Jinggoy Estrada kung paano nalaman ni Ogie Diaz ang insidente. Sinabi ni Estrada na unang lumabas ang impormasyon sa publiko bago pa ito nalaman ng pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate