Yasmien Kurdi, binahagi ang video ng anak na si Ayesha sa ospital

Yasmien Kurdi, binahagi ang video ng anak na si Ayesha sa ospital

- Ibinahagi ni Yasmien Kurdi ang video ng anak na si Ayesha habang nasa ospital matapos makaranas ng stomach pain, pagsusuka, at dehydration

- Hindi tinukoy ni Yasmien ang eksaktong dahilan ng pagkakaospital ng kanyang anak

- Bumuhos ang dasal at suporta mula sa mga tagahanga para sa mabilis na paggaling ni Ayesha

- Nagpasalamat si Yasmien sa lahat ng nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanilang pamilya

Ibinahagi ng aktres na si Yasmien Kurdi ang isang emosyonal na video ng kanyang anak na si Ayesha habang nasa ospital. Ayon kay Yasmien, bilang magulang, gagawin nila ang lahat para maibsan ang sakit ng kanilang anak at muling ibalik ang maayos na kalusugan nito.

Yasmien Kurdi, binahagi ang video ng anak na si Ayesha sa ospital
Yasmien Kurdi, binahagi ang video ng anak na si Ayesha sa ospital
Source: Instagram

“As parents, we’d do anything to take away our child’s pain and make them whole again. But what brings us comfort is knowing they have an entire family behind them, offering love, support, and encouragement every step of the way,” ani Yasmien.

Read also

Kylie Padilla, naging sentimental sa binahaging life update tungkol sa mga anak

Bagaman hindi naipaliwanag ang eksaktong dahilan ng pagkakaospital ng bata, sinabi ni Yasmien na dumanas si Ayesha ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka, at dehydration, kaya't napilitan silang dalhin siya sa ospital. Makikita sa video ang batang si Ayesha na umiiyak dahil sa iniindang sakit, bagay na nagpaantig sa damdamin ng mga netizens.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, bumuhos ang dasal at mensahe ng suporta mula sa mga tagahanga at kaibigan ni Yasmien para sa mabilis na paggaling ng kanyang anak.

Si Yasmien Yuson Kurdi-Soldevilla ay sumikat bilang isang pop singer, songwriter, actress at model. Kabilang siya sa final four ng unang season ng reality-based talemt search sa GMA na Starstruck. Tinanghal siyang first runner-up sa naturang show.

Kabilang si Yasmien sa mga artistang nagdalamhati sa pagpanaw ng news anchor na si Mike Enriquez. Nagbigay-pugay si Yasmien sa beteranong broadcaster sa pamamagitan ng isang Facebook post. Nabanggit niya ang tungkol sa magandang katangian ni Mike. Aniya, nagfi-fist bump pa ito sa kanya pag nakakasalubong niya sa lobby.

Read also

Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Yasmien ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Buntis siya sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Rey Soldevilla Jr. Sa kanyang post ay binahagi niya ang kanilang family picture kasama ang sonogram ng kanilang baby.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate