Carla Abellana, Ibinahagi ang kanyang pinagdaanan dahil sa Hypothyroidism

Carla Abellana, Ibinahagi ang kanyang pinagdaanan dahil sa Hypothyroidism

- Ibinahagi ni Carla Abellana ang kanyang karanasan sa pakikibaka sa hypothyroidism sa loob ng limang taon

- Nakakita siya ng pag-asa nang makilala si Dr. Roland Angeles at sumailalim sa kanyang diet plan

- Matapos ang limang buwan ng pagsisikap, nakapagbawas si Carla ng halos 18 pounds at naabot ang kanyang target na timbang

- Nagpasalamat siya kay Dr. Angeles at sa The Aivee Clinic sa kanilang suporta at dedikasyon sa kanyang wellness journey

Ibinahagi ni Carla Abellana ang kanyang mahaba at masalimuot na karanasan sa pakikibaka sa hypothyroidism, na naging sanhi ng balakid sa kanya sa nakaraang limang taon. Sa kanyang post, inilarawan ng aktres ang mga pagsubok na kanyang dinanas, mula sa mataas na cortisol levels at hormonal imbalances, hanggang sa hindi matigil na pagtaas ng timbang sa kabila ng mahigpit na diet plans at regular na ehersisyo.

Read also

Sunshine Garcia, isinapubliko ang pagbubuntis sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan

Carla Abellana, Ibinahagi ang kanyang pinagdaanan dahil sa Hypothyroidism
Carla Abellana, Ibinahagi ang kanyang pinagdaanan dahil sa Hypothyroidism
Source: Instagram

Ayon kay Carla, nakakita siya ng pag-asa noong nakaraang Oktubre nang matuklasan ang doktor na si Dr. Roland Angeles, na kilala sa kanyang matagumpay na diet plan. Bagamat hindi siya nakapagbawas ng timbang sa unang buwan ng kanyang regimen, nagpatuloy siya sa pagsisikap at naging determinadong lumaban sa kanyang kondisyon. "Sorry for breaking your record, Doc!" biro pa ni Carla sa kanyang post, habang pinuri ang dedikasyon ni Dr. Angeles sa kanyang mga pasyente.

Pagkalipas ng limang buwan, nagtagumpay si Carla at nakapagsimula nang makapagpababa ng timbang, umabot sa halos 18 pounds na nabawas sa kanyang timbang. Pinuri din niya ang The Aivee Clinic para sa mga treatments na nakatulong sa kanyang wellness plan. Ang mga pamamaraan ng klinika, kasama ang mga inirekomendang gamot at strict diet, ay nagbigay sa kanya ng kinakailangang suporta upang makamit ang kanyang target na timbang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ama, labis nabigla nang mapagtantong anak niya ang sangkot sa nadaanang aksidente

Sa kabila ng mga pagsubok, ipinaabot ni Carla ang kanyang pasasalamat kay Dr. Angeles at sa kanyang sarili dahil hindi siya sumuko. Nagsilbing inspirasyon ang kanyang kwento sa marami, na ipinakita ang katotohanang walang madaling solusyon sa pagbawas ng timbang, lalo na para sa mga may hypothyroidism.

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Matatandaang sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Sa pahayag ni Tom Rodriguez, nasabi niyang pinal na ang nilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla Abellana. Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ni Carla na maging masaya na siya. Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate