James Reid, isiniwalat na mahigit Php100 million ang atraso ni Jeffrey Oh sa kanya

James Reid, isiniwalat na mahigit Php100 million ang atraso ni Jeffrey Oh sa kanya

- Isinapubliko na ni James Reid ang mga naganap sa Careless PH na kinasangkutan ni Jeffrey Oh

- Matatatandaang si Jeffrey ang nagpakilalang CEO ng Careless PH na ang totoo 'di umano ay si James Reid lamang

- Kasama ang kanyang abogado, sinabi ni James na nasa mahigit Php 100 million ang umano'y atraso sa kanya ni Jeffrey

- Pinaniniwalaang nasa Los Angeles si Jeffrey na inaasahang mananagot pa rin matapos lamang ang isinasagawang auditing ng kampo ni James

Nagsalita na si James Reid kaugnay sa mga hindi niya inaasahang naganap sa Careless PH na kanyang pinamamahalaan.

James Reid, isiniwalat na mahigit Php100 million ang atraso ni Jeffrey Oh sa kanya
James Reid, isiniwalat na mahigit Php100 million ang atraso ni Jeffrey Oh sa kanya (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Matatandaang una nang pumutok ang balita na wala na si Liza Soberano sa kanilang pangangalaga dahilan para linawin din ni James ang ilan pang mga kaganapan kaugnay nito.

Isa na nga rito ang umano'y panlolokong ginawa sa kanya ng nagpakilalang kapwa niya CEO ng Careless PH na si Jeffrey Oh.

Read also

Ex-PBB housemate na si John Adajar, malaking tulong sa pagkadakip ng snatcher sa San Pablo

"He left, he tricked me. I've been working with them for a very long time. And it turned out he wasn't a person he said he was," ani James

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kasama ng kanyang abogado, kinumpirma ni James na tinatayang mahigit 100 milyong piso ang umano'y atraso sa kanya ni Jeffrey.

"He's a fraud," dagdag pa ni James na halos hindi rin halos makapaniwala sa mga nagawang ito ni Jeffrey.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si James Reid ay isang aktor sa Pilipinas. Nagsimula siyang makilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Sinuportahan din siya ng marami sa dating love team niya kasama si Nadine Lustre na naging real-life partner din niya noon. Siya rin ang founder ng independent record label na Careless PH. Sa ngayon, tinututukan din ni James ang kanyang career sa music.

Read also

Vin Abrenica at Sophie Albert, binahagi ang gender ng kanilang ikalawang anak

Samantala, kamakailan lamang ay kinumpirma rin ng Careless PH na wala na sa kanilang pangangalaga si Liza Soberano epektibo noong Hulyo 29.

Matatandaang ang Careless PH ang siyang sumunod na humawak sa career ni Liza matapos ang kontrata nito sa dating manager na si Ogie Diaz. Ito rin ang mga unang naging kaagapay ni Liza sa pagtupad ng kanya umanong pangarap na makilala sa international scene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica