Mark Leviste, nagbigay ng mensahe ng pagmamahal at pag-aalala sa pag-uwi ni Kris Aquino
- Ipinahayag ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang saya at pag-aalala sa pagbabalik ni Kris Aquino sa Pilipinas
- Ayon kay Leviste, masaya siyang nakabalik na si Kris upang makasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan
- Aminado ang gobernador na nasasaktan siyang makita si Kris na humaharap sa matinding pagsubok sa kalusugan
- Patuloy umano silang nananalangin ng kanyang pamilya para sa paggaling ni Kris at handa silang magbigay ng suporta
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kahit hiwalay na sila, ipinahayag ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang kanyang saya at pag-aalala sa pagbalik ng kanyang dating kasintahan na si Kris Aquino sa Pilipinas. Sa isang Facebook Story, sinabi ni Leviste na masaya siya para kay Kris, pati na rin sa pamilya, kaibigan, at mga tagahanga nito, dahil nakauwi na ang "Queen of All Media" upang makapiling ang mga mahal sa buhay.
Aminado rin si Leviste na nasasaktan siyang makita ang isang taong malapit sa kanya na patuloy na humaharap sa matinding pagsubok sa kalusugan. Hinangaan umano niya ang lakas at determinasyon ni Kris na hindi sumuko at patuloy na lumaban para sa kanyang kalusugan.
Dagdag pa ng gobernador, patuloy silang nananalangin ng kanyang pamilya para sa paggaling ni Kris. Sinabi rin niyang handa silang magbigay ng suporta at pagmamahal sa Queen of All Media, na nangangailangan ng hindi matitinag na pagmamahal at suporta mula sa mga mahal sa buhay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang hindi pagsang-ayon ng bunsong anak ni Kris na si Bimby sa kanilang relasyon. Sinabi rin ni Kris na ayaw na niyang makipagbalikan kay Leviste, at binigyang-diin na mahalaga sa kanya ang opinyon ng kanyang mga anak.
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas.
Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh