Maymay Entrata, napasabak sa e-trike karaoke habang nasa Amerika

Maymay Entrata, napasabak sa e-trike karaoke habang nasa Amerika

- Napasabak si Maymay Entrata sa kantahan nang mamataan siya ng content creator na si Alanna Malicdem

- Ang kanyang content ay ang e-trike karaoke kung saan tinatanong niya ang mga taong kanyang nadadaanan kung pwede silang sumabak sa kanyang e-trike karaoke

- Masaya namang nagpaunlak si Maymay na binigyan ang sarili ng ranking na 5 pagdating sa pagkanta

- Gayunpaman, marami sa mga nakapanood ng kanyang pagkanta ang napabilib at nagsabing mahusay siya at hindi mayabang dahil 5 lang ang kanyang binigay na ranking sa kanyang sarili gayong mahusay daw itong kumanta

Napasabak sa kantahan ang aktres at singer na si Maymay Entrata nang makita siya ng isang content creator na si Alanna Malicdem habang nasa Amerika. Kilala si Malicdem sa kanyang content na "e-trike karaoke," kung saan inimbitahan niya ang mga taong kanyang nadadaanan na makisali sa instant kantahan habang sakay ng isang e-trike.

Read also

Jennica Garcia, may pasilip sa kanyang mga paninda para sa live selling nya

Maymay Entrata, napasabak sa e-trike karaoke habang nasa Amerika (E-Trike Karaoke | YouTube)
Maymay Entrata, napasabak sa e-trike karaoke habang nasa Amerika (E-Trike Karaoke | YouTube)
Source: Youtube

Ayon sa ulat, masaya namang nagpaunlak si Maymay at sumabak sa hamon ng e-trike karaoke. Bagama’t kilala na sa industriya bilang isang mahusay na performer, naging mapagpakumbaba si Maymay nang bigyan niya ang kanyang sarili ng rating na 5 sa kanyang pagkanta.

Nagpakitang gilas naman si Maymay sa mga kanta na kanyang pinili, at marami sa mga nakapanood ng video ang napabilib. Ayon sa mga komento, bukod sa kanyang husay sa pagkanta, hinangaan din siya sa kanyang pagiging humble sa kabila ng kanyang talento. Marami ang nagsabing deserve niyang mas mataas ang ibinigay niyang rating sa sarili.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang naturang e-trike karaoke video ni Maymay ay mabilis na kumalat at naging trending sa social media, kung saan patuloy siyang tinatambakan ng papuri ng kanyang mga tagasuporta at netizens.

Si Maymay Entrata o si Marydale Entrata sa tunay na buhay ay isang actress, singer, television host, at model. Sumikat siya matapos siyang tanghaling big winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7. Naging talent siya ng Star Magic matapos siyang manalo sa PBB. Bumida siya sa romantic comedy film na Loving in Tandem (2017). Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Da One That Ghost Away at Hello, Love, Goodbye. Naging bahagi din siya ng seryeng La Luna Sangre (2017) at Hiwaga ng Kambat (2019).

Read also

Lyca Gairanod, binahagi ang reaksiyon ng kanyang papa matapos nilang hindi magkita ng apat na araw

Lingid sa kaalaman ng marami malapit na magkaibigan pala sina Maymay at Mimiyuuuh. Una umano silang nagkita ni Mimiyuuuh sa Star Magic Ball at simula noon ay nakagaanan nila ng loob ang isa't-isa. Kagaya ni Maymay, madalas umano magsabi ng kanyang problema si Mimiyuuuh sa kaibigan. Kinaaliwan din ang version ng "skrrt" ni Maymay dahil sa kakaibang talento niya sa kanyang braso.

Sa mukbang sa nina Mimiyuuuh at Maymay ay hindi inatrasan ni Maymay ang ilan sa mga nakakaintrigang mga tanong para sa kanya. Kabilang sa natanong ay kung mayroon daw ba siyang hindi magandang karanasan sa isang artista. Hindi naman daw niya maituturing na bad iyon ngunit aniya ay tiningnan siya ng di na niya pinangalanang artista mula ulo hanggang paa at inirapan pa siya. Nangyari raw ito noong bago pa lamang sila nakalabas sa Pinoy Big Brother at pumunta siya sa ASAP para makita nang personal ang mga artista.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate