Pops Fernandez at Martin Nievera, enjoy na enjoy ang pag-aalaga sa kanilang apo

Pops Fernandez at Martin Nievera, enjoy na enjoy ang pag-aalaga sa kanilang apo

- Ibinahagi ni Martin Nievera ang video kung saan karga-karga ni Pops Fernandez ang kanilang apo na si Finn

- Makikita sa video na pinapatulog nila ang kanilang apo na nagpapaantok

- Sa caption, tinawag nina Martin at Pops ang kanilang sarili na "Lolli and Lilo" bilang mga proud na lolo't lola

- Kinilig naman ang netizens at nagkomento ng kanilang saya para sa ex-couple na masayang nag-aalaga sa apo

Masayang ibinahagi ni Martin Nievera ang isang video sa social media kung saan karga-karga ng dati niyang asawang si Pops Fernandez ang kanilang apo na si Finn. Makikita sa video na abala ang dalawa sa pagpapatulog sa kanilang apo.

Pops Fernandez at Martin Nievera, enjoy na enjoy ang pag-aalaga sa kanilang apo
Pops Fernandez at Martin Nievera, enjoy na enjoy ang pag-aalaga sa kanilang apo
Source: Instagram

Sa caption ng post ni Martin, makikita ang saya ng pagiging bagong lolo’t lola nina Martin at Pops: “You’re getting sleepy you’re getting sleepy, I’m getting sleepy... happy grandparents day! This a first for us. Now we can finally say, ‘always and forever Lolli and Lilo!’”

Read also

Legal counsel ng KOJC, pinagso-sorry ang 'Chooks-to-Go' dahil sa advertisement nito

Hindi naman napigilan ng mga netizens ang magkomento ng kanilang saya para sa dalawa. Isang netizen ang nagsabing, "Bakit hindi na lang sila magbalikan? Bagay na bagay naman sila." May isa namang nagsabi, "Panalo si Finn. He will always and forever have Lolli and Lilo. So cute!!!" Dagdag pa ng isa, "Proud grandparents! Nakakatuwa kayong dalawa, Pops and Martin."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila enjoy na enjoy nga sina Martin at Pops sa kanilang bagong papel bilang Lolo at Lola kay Finn, at masayang ipinagdiwang ang Grandparents Day kasama ang kanilang apo.

Si Pops Fernandez ay nagsimulang makilala sa larangan ng musika sa edad na 16. Pumirma siya ng kontrata sa OctoArts Records noong 1981. Taong 1995 nang mapasama siya sa cast ng ASAP kasama ang kanyang dating asawang si Martin Nievera, kasama din sina Dayanara Torres at Ariel Rivera.

Read also

Darryl Yap sa beauty tip ni Chloe San Jose: "Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo"

Sa isang video kamakailan, kinaaliwan ang caption ni Pops. Kasama niya sa ibinahaging video ang dating asawang si Martin habang kumakanta ito. Inunahan na ni Pops ang mga netizens na huwag ma-excite dahil nagpa-practice lamang si Martin at hindi siya nito kinakantahan.

Sa ibinahaging picture ni Pops, nakasama niya ang mga anak at ang dati nitong asawa na si Martin. Bukod sa kanyang mag-aama, kasama din sa ibinahagi niyang picture ang past at present na karelasyon ni Martin. Ito ay ang dating ka live-in ni Martin na si Katrina Ojeda at current girlfriend ng Concert King na si Anj del Rosario. Ang pagsasama-sama nila ay para sa maagang pagdiriwang ng kaarawan ni Martin at ng anak nilang si Ram Nievera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate