KZ Tandingan, pinagselosan ang nabasang text; 'Baby' pa ang tawag kay TJ

KZ Tandingan, pinagselosan ang nabasang text; 'Baby' pa ang tawag kay TJ

- Aminado si KZ Tandingan na nagselos siya matapos mabasa ang isang text na "baby" ang tawag kay TJ Monterde

- Nainis si KZ nang hindi agad sinagot ni TJ kung sino ang nag-text, dahilan upang mag-imbyerna siya

- Iminungkahi ni TJ na tawagan nila ang nagpadala ng mensahe upang malaman kung sino ito

- Bumalik ang magandang emosyon ni KZ nang malaman niyang ang ina ni TJ ang nag-text at "baby" pa rin ang tawag sa kanyang anak

Aminado ang singer na si KZ Tandingan na hindi niya napigilang magselos nang mabasa ang isang text na may tawag na "baby" para sa kanyang asawang si TJ Monterde.

KZ Tandingan, pingaselosan ang nabasang text na 'Baby' ang tawag kay TJ
KZ Tandingan, pinagselosan ang nabasang text; 'Baby' pa ang tawag kay TJ (ABS-CBN Entertainment | YouTube)
Source: Youtube

Sa kanilang pag-guest sa online show ni Melai Cantiveros na Kuan On One, ikinuwento ni KZ kung paano siya biglang nagalit nang mabasa ang mensahe. Ani KZ, tinanong siya ng nag-text kung kumain na si TJ, at natawa na lamang ang asawa nang tanungin niya kung sino ito.

Read also

Aljur Abrenica, tinuruang magdrive ng e-bike si Aj Raval

Dahil hindi agad sineryoso ni TJ ang tanong, lalong na-imbyerna si KZ. Ayon kay KZ, sinabi ni TJ na tawagan nila ang nagpadala ng mensahe upang linawin ang lahat. Nang sagutin ang tawag, agad nagbago ang emosyon ni KZ nang malaman na ang nag-text pala ay mismong ina ni TJ, na hanggang ngayon ay tinatawag pa rin siyang "baby."

Sa kabila ng maliit na insidenteng ito, naging masaya ang pagtatapos ng kuwento ni KZ, na nagpatawa sa mga manonood sa kanilang nakakatuwang karanasan bilang mag-asawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si KZ Tandingan o Kristine Zhenie Lobrigas Tandingan-Monterde sa tunay na buhay ay kinilala sa bansag na Asia's Soul Supreme. Sumikat siya sa mundo ng showbiz matapos niyang manalo sa The X Factor Philippines noong 2012. Tinanghal din siyang Best New Artist sa Aliw Awards sa parehas na taon.

Read also

Mark Andrew Yulo kay Chloe: "Tinatawagan ko kayo ni Caloy di kayo sumasagot"

Kamakailan ay kinumpirma nina KZ at ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang music video na ikinasal na sila. Taong 2019 nang isapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang engagement.

Si KZ ang napiling mang-aawit para kantahin ang isang Disney track na nasa wikang Filipino. Sa kanyang social media post ay ibinahagi ni KZ ang kanyang kagalakan sa pagkakapili sa kanya. Kakantahin niya ang awiting "Gabay" mula sa pelikulang Raya and the Last Dragon na gawa ng Disney. Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netizens at mula sa kasamahan ni KZ sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate