KZ Tandingan, napili para kumanta ng Disney song na nakasalin sa Filipino

KZ Tandingan, napili para kumanta ng Disney song na nakasalin sa Filipino

- Si KZ Tandingan ang napiling mang-aawit para kantahin ang isang Disney track na nasa wikang Filipino

- Sa kanyang social media post ay ibinahagi ni KZ ang kanyang kagalakan sa pagkakapili sa kanya

- Kakantahin niya ang awiting "Gabay" mula sa pelikulang Raya and the Last Dragon na gawa ng Disney

- Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netizens at mula sa kasamahan ni KZ sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni KZ Tandingan ang kanyang pasasalamat matapos siyang mapili para kumanta ng isang Diney film track na nasa wikang Filipino.

Ito ang kauna-unahang Filipino track para sa isang Disney film. Nakatakdang ilabas sa Spotify ang awiting "Gabay" sa March 5, 2021.

KZ Tandingan, napili para kumanta ng Disney song na nakasalin sa Filipino
KZ Tandingan (@kztandingan)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

I am so grateful to be chosen to sing the first-ever Disney track in Filipino! Tune in on March 5 as "Gabay" from Disney's Raya and the Last Dragon drops on Spotify. Abangan po ninyo!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, marami sa kasamahan ni KZ ang bumati sa kanya. Kasama sila Moira Dela Torre, Iñigo Pascual, Yeng Constantino, Denise Laurel, KC Concepcion, Lovi Poe, Iza Calzado, Jed Madela, Kim Chiu, Kaye Abad, Julie Ann San Jose at Rachelle Ann Go sa mga bumati sa kanya.

Inilabas ng Disney Studios Philippines ang anunsiyong ito nitong araw lang, March 2, 2021.

Asia's Soul Supreme KZ Tandingan will be lending her remarkable voice to an all-new song titled "Gabay" from Disney's Raya and the Last Dragon. This first-ever Filipino-language track from Disney will be coming your way very soon. Abangan!

Read also

Heaven Peralejo nilinaw na wala siyang kinalaman sa hiwalayang Devon at Kiko

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si KZ Tandingan o Kristine Zhenie Lobrigas Tandingan-Monterde sa tunay na buhay ay kinilala sa bansag na Asia's Soul Supreme. Sumikat siya sa mundo ng showbiz matapos niyang manalo sa The X Factor Philippines noong 2012. Tinanghal din siyang Best New Artist sa Aliw Awards sa parehas na taon.

Kamakailan ay kinumpirma nina KZ at ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang music video na ikinasal na sila.

Taong 2019 nang isapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang engagement.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel