Sarina Hilario, ginuhitan ang mukha para magmukha siyang si 'Sadness'

Sarina Hilario, ginuhitan ang mukha para magmukha siyang si 'Sadness'

- Kinaaliwan si Sarina Hilario sa isang video na binahagi ng kanyang mommy na si Maia Azores

- Makikita si Sarina na nagsasalita at puno ng guhit ang mukha gamit ang panulat na kulay asul

- Ayon sa komento ni Maia, kaya daw niya ginuhitan ang mukha niya para magmukha daw siyang si 'Sadness' ng Pixar animated film na Inside Out

- Marami naman sa mga netizens ang nag-request na ibahagi ang audio ng naturang video clip kung saan makikitang nangangatwiran si Sarina

Isang nakakatuwang video ni Sarina Hilario ang nag-viral kamakailan matapos itong ibahagi ng kanyang ina na si Maia Azores sa social media. Sa naturang video, makikita si Sarina na may mga guhit sa kanyang mukha gamit ang asul na panulat habang naglalahad ng kanyang dahilan kung bakit niya ginawa ito.

Sarina Hilario, ginuhitan ang mukha para magmukha siyang si 'Sadness'
Sarina Hilario, ginuhitan ang mukha para magmukha siyang si 'Sadness'
Source: Instagram

Ayon sa komento ni Maia, ginuhitan daw ni Sarina ang kanyang mukha upang magmukha siyang si 'Sadness,' ang iconic na karakter mula sa Pixar animated film na Inside Out.

Read also

Jolina Magdangal, natawa sa kanyang epic fail na picture sa fans

Ang video na ito ay agad kinaaliwan ng maraming netizens, na hindi mapigilang matawa sa inosenteng paraan ng pagpapanggap ni Sarina bilang si 'Sadness.' Maraming netizens ang natuwa sa kakaibang creativity ng bata, at agad nilang hiniling kay Maia na ibahagi rin ang audio ng naturang video clip upang marinig ang pangangatwiran ni Sarina.

Sa nasabing video, makikita si Sarina na tila nagpapaliwanag sa ginawa niyang pagguhit sa kanyang mukha. Marami ang natuwa sa caption ni Maia na ang kanyang 3-anyos na anak ay nangangatwiran na parang isang 16-taong gulang. Ang video ay patuloy na nagiging usap-usapan online, at maraming netizens ang naaliw kay Sarina.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Read also

Miss Universe 2018 Catriona Gray at mga kasama, ninakawan sa London

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: