AJ Raval, ibinida ang sweet pictures nila ni Aljur Abrenica
- Nagbahagi si AJ Raval ng pictures nila ni AJ Abrenica
- Dalawang magkasunod na post niya sa social media ay ang picture nilang dalawa ng boyfriend
- Makikitang sa isang post ay may hawak na basketball si AJ habang parehas naman silang si ALjur naman ay may hawak na raketa
- Matatandaang kamakailan lang nang mag-post si Kylie Padilla na nakasama nila ng mga anak niya ang ex niyang si Aljur
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling naging usap-usapan ang real-life couple na sina AJ Raval at Aljur Abrenica matapos magbahagi si AJ ng mga sweet photos nila sa social media. Sa dalawang magkasunod na post, ipinakita ng aktres ang kanilang masayang bonding moments.
Sa isang larawan, makikitang may hawak na basketball si AJ habang kasama si Aljur na may hawak namang raketa, na tila nagpapahiwatig ng kanilang sporty at fun-loving relationship.
Sa isang post naman ay makikitang tila cosplay naman ang kanilang ginawa. Umani man ng mga negatibong komento, hindi na sumagot sina AJ at Aljur. May mga netizens din na naghayag ng kanilang suporta sa dalawa.
Hindi naman nakaligtas sa mga netizens ang mga larawan, lalo na’t matatandaang kamakailan lamang ay nag-post si Kylie Padilla na kasama nila ang kanyang mga anak at ang dating asawa na si Aljur. Agad na nag-viral ang mga sweet photos nina AJ at Aljur, at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa kanilang followers.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.
Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.
Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh