Jeric Raval, tinanong kung ano ang gagawin nya kung gagawin ni Aljur kay AJ ang ginawa nya

Jeric Raval, tinanong kung ano ang gagawin nya kung gagawin ni Aljur kay AJ ang ginawa nya

- Sa panayam ni Julius Babao sa pamilya nina Jeric Raval ay nakwento nila ang tungkol sa pagiging babaero noon ni Jeric

- Natanong ni Julius sa mag-amang AJ at Jeric ang tanong na; Paano kung gagawin din ni Aljur Abrenica ang ginawa ni Jeric

- Ayon kay Jeric, hindi naman daw niya nakikita na gagawin ni Aljur iyon base sa kanyang pagkakakilala dito

- Aniya, may mga kakilala siyang kahit ganun ay responsable pa rin sa kanilang pamilya

Sa isang panayam ni Julius Babao kasama ang pamilya nina Jeric Raval, muling nabuksan ang usapin tungkol sa pagiging babaero ni Jeric noong kanyang kabataan. Habang pinag-uusapan ang nakaraan, hindi napigilan ni Julius na itanong sa mag-amang Jeric at AJ Raval, "Paano kung gagawin din ni Aljur Abrenica ang ginawa ni Jeric?"

Jeric Raval, tinanong kung ano ang gagawin nya kung gagawin ni Aljur kay AJ ang ginawa nya
Jeric Raval, tinanong kung ano ang gagawin nya kung gagawin ni Aljur kay AJ ang ginawa nya
Source: Youtube

Sa kabila ng tanong, nanatiling kalmado si Jeric at sinabing hindi niya nakikita na gagawin ni Aljur ang ganoong bagay, base sa kanyang pagkakakilala sa aktor. Ayon sa kanya, bagama't may mga tao na tulad ng kanyang nakaraan, nananatili pa rin silang responsable sa kanilang pamilya.

Read also

Joshua, 'di agad nakabitaw sa karakter; tuloy ang hagulhol kahit 'cut' na sabi ni direk

Pinaalala rin ni Jeric na may mga kakilala siyang, sa kabila ng pagiging babaero, ay hindi napapabayaan ang kanilang responsibilidad bilang ama. Sinang-ayunan naman ito ng kanyang asawa na si Holiday Raval, na sinabing kahit naging babaero noon si Jeric, hindi naman daw nito pinabayaan ang kanilang mga anak at naging mabuting ama sa kanila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate