Tito Mars, umalma sa aniya'y parinig sa kanya ni Queen Dura

Tito Mars, umalma sa aniya'y parinig sa kanya ni Queen Dura

Naglabas ng saloobin si Tito Mars matapos umano siyang patamaan ni Queen Dura sa It’s Showtime

Tila kinuwestiyon ni Queen Dura ang kasikatan ng ilang influencers matapos lang magkaroon ng meet and greet

Sinabi ni Tito Mars na hindi mabuting ehemplo si Queen Dura sa kanyang followers lalo na sa kabataan

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang sagutan ng dalawang social media influencers

Naglabas na ng kanyang saloobin ang social media influencer na si Tito Mars matapos umano siyang patamaan ng kapwa influencer na si Queen Dura sa isang segment ng programang It’s Showtime noong August 31.

Tito Mars, umalma sa aniya'y parinig sa kanya ni Queen Dura
Tito Mars, umalma sa aniya'y parinig sa kanya ni Queen Dura
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa nasabing episode, tila may pasaring si Queen Dura tungkol sa mga kapwa niya influencers na aniya'y "feeling sikat" matapos lamang magkaroon ng isang meet and greet event. Ayon sa kanya, "Feelingera! Napakataas naman ng tingin niyo sa mga sarili niyo. Nagkaroon lang kayo ng meet & greet, 'kala niyo kung sino na kayong sikat. Mga feeling sikat na sikat!"

Read also

Joshua, 'di agad nakabitaw sa karakter; tuloy ang hagulhol kahit 'cut' na sabi ni direk

Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Tito Mars at agad na nagbigay ng kanyang reaksyon. Sa kanyang post sa social media, sinabi niyang, "Saka ka na magyabang kung ka-level mo na si Marian Rivera. Huwag ka masyado magmaganda dahil hindi ka mabuting ehemplo sa followers mo lalo na sa mga kabataan."

Agad namang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang sagutan ng dalawang influencer. Habang may mga pumapanig kay Queen Dura, marami rin ang sumuporta kay Tito Mars at sinabing may karapatan siyang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga patama.

Samantala, wala pang pahayag si Queen Dura ukol sa pahayag na ito ni Tito Mars, at inaabangan ng mga fans ang kanyang magiging tugon.

Si Tito Mars ay nakilala sa social media sa kanyang mga videos kung saan naghahayag siya ng kanyang pananaw at opinyon. Nitong mga nakaraang araw ay may mga videos siya kung saan pinagbibigyan niya ang mga eating challenge mula sa netizens kabilang na ang pagkain ng sardinas, tuyo at mangga na may bagoong. Dahil sa kanyang reaksiyon tuwing kumakain siya nito ay marami ang nambatikos sa kanya.

Read also

Melai, tinodo ang pagiging fan girl: "Nakalimutan ko na may asawa ako ui!"

Matatandaang nagsalita si Tito Mars matapos makatanggap ng pangbabatikos. Kasunod ito ng kanyang mga content kung saan kumakain siya ng ilan sa mga pagkaing kinakain ng pangkaraniwang Pinoy. Pinabulaanan niyang binastos niya ang pagkain ng mga mahihirap dahil wala daw siyang sinabing pambabastos sa mga pagkain na kinain niya sa mga video. Tinuturing din daw niya ang sarili niya na kabilang sa mga mahihirap.

Muling naging usap-usapan si Tito Mars matapos ang binahagi niyang video kung saan susubukan daw niya sa unang pagkakataon na sumakay sa jeep. Nagulat daw siya na marami raw palang ibang pasahero sa jeep dahil akala daw niya ay siya lang mag-isa. Nagtanong din siya sa driver kung pwede ba raw card o mobile payment ang kanyang bayad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate