Tito Mars, sinubukang sumakay ng jeep na aniya ay kanyang first time

Tito Mars, sinubukang sumakay ng jeep na aniya ay kanyang first time

- Muling naging usap-usapan ang content creator na si Tito Mars matapos ang binahagi niyang video kamakailan

- Anito, susubukan daw niya sa unang pagkakataon na sumakay sa jeep

- Nagulat daw siya na marami raw palang ibang pasahero sa jeep dahil akala daw niya ay siya lang mag-isa

- Nagtanong din siya sa driver kung pwede ba raw card o mobile payment ang kanyang bayad

Muling naging usap-usapan ang content creator na si Tito Mars matapos niyang ibahagi ang isang video kamakailan. Sa nasabing video, ibinahagi ni Tito Mars na susubukan niya raw na sumakay sa jeep sa unang pagkakataon.

Tito Mars, sinubukang sumukay ng jeep ‘for the first time’
Tito Mars, sinubukang sumukay ng jeep ‘for the first time’
Source: Facebook

Nagulat daw siya nang malaman niyang marami palang ibang pasahero sa jeep. Akala raw niya ay siya lamang mag-isa. Sa isang punto pa nga ng biyahe, tinanong niya ang driver kung maaari bang card o mobile payment ang kanyang bayad.

Read also

Crissa Liaging, may panibagong post: "Tao lang po nagkakamali"

Muli na namang humahakot ng magkaibang reaksyon at komento ang Facebook video ng controversial personality na si Tito Mars. Ilan naman sa mga netizens ay kumbinsidong palabas lamang ang pagiging maarte nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng mga kritisismo, patuloy na tinatangkilik ang mga videos ni Tito Mars, na nagbibigay-aliw at nagtutulak sa mga netizens na pag-usapan ang kanyang mga karanasan.

Si Tito Mars ay nakilala sa social media sa kanyang mga videos kung saan naghahayag siya ng kanyang pananaw at opinyon. Nitong mga nakaraang araw ay may mga videos siya kung saan pinagbibigyan niya ang mga eating challenge mula sa netizens kabilang na ang pagkain ng sardinas, tuyo at mangga na may bagoong. Dahil sa kanyang reaksiyon tuwing kumakain siya nito ay marami ang nambatikos sa kanya.

Matatandaang kagaya ni Tito Mars, nakilala din si Rendon Labador sa kanyang paglalabas ng opinyon na marami ang tumaliwas. Naging dahilan ito upang pagkaisahan siya ng mga taong hindi natuwa sa kanya at kinalaunan ay nag-report sa kanyang mga social media page.

Read also

Katrina Halili, binahagi ang video ng reaksiyon ng anak niya sa kanyang pagiging stage mommy

Matatandaang taong 2023 nang mabura ang Facebook page ni Rendon. Sa kanyang Instagram stories ay naibahagi niya ang pag-mass report daw sa kanyang Facebook page. Sa kabila nito ay sinabi ni Rendon na hindi siya titigil sa kanyang adbokasiya na patalinuhin daw ang mga Pilipino. Matatandaang nauna na ring natanggal ang kanyang TikTok page.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel