Jhong Hilario, nakatanggap ng "highest merits" sa pagtatapos nya ng Masters degree
- Nagtapos si Jhong Hilario ng Master's Degree sa Public Administration mula sa World Citi College
- Dumalo siya sa commencement exercises kasama ang kanyang ina, asawa, at anak sa PICC Plenary Hall
- Nagpasalamat siya sa suporta ng kanyang pamilya, Showtime family, at Mayor Abby Binay
- Nilinaw niyang hindi siya tatakbo sa mas mataas na posisyon sa politika ngunit nais niyang maging handa para sa mga oportunidad sa hinaharap
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa kabila ng abalang schedule bilang isang konsehal, artista, at ama, matagumpay na nagtapos si Jhong Hilario ng kanyang Master's Degree sa Public Administration mula sa World Citi College. Ang kanyang tagumpay ay ipinagdiwang niya kasama ang kanyang ina, asawa, at anak sa ginanap na commencement exercises sa PICC Plenary Hall nitong Huwebes ng hapon.
Sa panayam ng ABS-CBN News matapos ang seremonya, ibinahagi ni Hilario ang kanyang karanasan sa pagtatapos ng masteral na programa. "Isang taon lang ang kinuha ko. Modular program siya, ipapadala sa 'yo yung mga modules, tapos kailangang mag-research ng mga libro. 'Yung iba, kung saan-saan pa namin hinanap 'yung mga libro," aniya.
Hindi biro ang pag-aaral ng masteral, lalo na para kay Hilario na sabay-sabay na ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang konsehal, host sa "It’s Showtime," at responsibilidad bilang asawa at ama. "Ang daming sakripisyo, minsan sobrang busy, pero sa akin lang, hangga’t may pagkakataon, go lang nang go," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Lubos ang kanyang kasiyahan nang matanggap niya ang "highest merits" para sa kanyang masteral na programa. "Bonus na 'to. Maka-graduate lang ako," sabi ni Hilario.
Ayon kay Hilario, ang time management ang naging susi sa kanyang tagumpay. Ibinahagi niya ang pasasalamat sa suporta ng kanyang pamilya, lalo na ang kanyang Showtime family, pati na rin ang mga kasamahan niya sa Makati City, partikular na si Mayor Abby Binay. "Thankful lang ako na napaka-supportive ng mayora namin sa Makati, Mayor Abby Binay. Ang dami kong natutunan sa kanya lalo na sa public administration."
Lovely Abella at Benj Manalo, kumita ng P5M monthly sa live selling, pero dumaan sa matinding pagsubok
Sa kabila ng pagtatapos, nilinaw ni Hilario na hindi niya hinahangad ang mas mataas na posisyon sa politika sa darating na eleksyon. "Di ko sinasabi na tatakbo ako for higher position or what. I’m just ready lang, if ever na kailangan ako sa ganito o sa ganyan," aniya.
Para kay Hilario, ang pagkakaroon ng Master's Degree ay isang mahalagang hakbang upang maging handa sa anumang pagkakataon sa hinaharap, lalo na sa larangan ng public service. "Hindi ka habang-buhay artista, if ever na may opportunity na maibigay sa akin bilang public servant at least nakaready ka," paliwanag niya.
Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.
Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang
Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh