Rufa Mae Quinto, mas piniling ma-out sa 'LOL:' "The game got really dirty"
- Pinili ni Rufa Mae Quinto na unahin ang pamilya kaysa sa P1 milyong premyo ng "LOL: Last One Laughing Philippines"
- Nagdesisyon siyang umatras sa laro dahil sa tingin niya ay naging madumi na ito at hindi na naaayon sa kanyang estilo ng pagpapatawa
- Lumipat na sa Pilipinas ang pamilya ni Rufa Mae mula sa Estados Unidos dahil sa mga bagong alok sa TV at pelikula
- Kasalukuyang nagtatrabaho si Rufa Mae sa isang comedy film na pinamagatang "Mujigae" na ipapalabas sa Oktubre
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi umano naghinayang si Rufa Mae Quinto na hindi nakuha ang P1 milyong premyo mula sa "LOL: Last One Laughing Philippines" dahil mas pinili niyang unahin ang kanyang pamilya. Sa ulat ng Inquirer sinabi niyang, mas mahalaga sa kanya ang pamilya kaysa anumang premyo, kaya hindi siya labis na nalungkot sa pagkawala ng pera.
Isa si Rufa Mae sa sampung komedyante na naglaban-laban sa nasabing kompetisyon. Layunin ng laro na patawanin ang iba nang hindi tumatawa. Sa huli, si Chad Kinis ang nag-uwi ng P1 milyong cash prize.
“I didn’t feel bad about losing because I already knew where it was heading. The game was starting to get really dirty, so I opted out. Of course, who wouldn’t want to win P1 million? I could have tried to fight for it, but I decided to let it go.
Bagama't gusto niyang manalo, mas pinili ni Rufa Mae na umatras dahil nagsimula na umanong maging madumi ang laro. Ayaw niyang makipaghalikan kay Chad Kinis o sa kahit sino mang kalahok dahil may pamilya siyang dapat isaalang-alang. Bukod dito, ayaw rin umano niyang gawin ang mga bagay na hindi naaayon sa kanyang estilo ng pagpapatawa, tulad ng pagdura sa mukha ng kapwa.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinahagi rin ni Rufa Mae na napagdesisyunan nilang magpamilya na muling manirahan sa Maynila mula sa Estados Unidos dahil nagsisimula na siyang makatanggap ng mga alok sa TV at pelikula. Kasalukuyan siyang abala sa paggawa ng isang comedy film na pinamagatang "Mujigae," na ipapalabas sa Oktubre.
Ayon pa kay Rufa Mae, napansin ng anak niyang si Athena na interesado na rin ito sa pag-aartista. Dahil dito, napagdesisyunan nilang mag-asawa na manirahan na sa Pilipinas upang matutunan ni Athena ang pagsasalita ng Tagalog. Ibinahagi rin niya na mas magiging mapili na siya sa mga proyekto upang isaalang-alang ang damdamin ng kanyang pamilya sa tuwing lalabas siya sa telebisyon.
Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.
Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.
Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan. Sa nag-viral na video, makikita ang bahagi ng pagkanta ni Rufa Mae ng awiting Firework ni Katy Perry.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh