Ahron Villena, nagsalita: Direktor na nang-eksploit daw sa kanya, binuking

Ahron Villena, nagsalita: Direktor na nang-eksploit daw sa kanya, binuking

- Nagsalita na si Ahron Villena tungkol sa umano'y exploitative na karanasan niya sa isang direktor

- Sa kanyang Instagram story, ibinahagi niya ang insidente kung saan ang direktor ay pumasok daw sa CR at pinaalis ang tumutulong sa kanya

- Ayon kay Ahron, ang direktor mismo ang nag-insist na siya ang maglagay ng plaster para sa eksena

- Maraming netizens ang nagaabang kung sino ang tinutukoy na direktor ni Ahron sa kanyang post

Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic post ng aktor na si Ahron Villena sa kanyang Instagram story, kung saan tila may pinatatamaan siyang director. Sa nasabing post, ibinahagi ni Ahron ang kanyang karanasan sa isang direktor na umano'y nang-exploit sa kanya noong nagtrabaho sila sa isang proyekto.

Ahron Villena, nagsalita: Direktor na nang-eksploit daw sa kanya, binuking
Ahron Villena, nagsalita: Direktor na nang-eksploit daw sa kanya, binuking
Source: Instagram

"Nagsalita pala 'etong direktor na 'eto na matagal na daw nangyayari 'yung mga ganu'ng scenario? E, kung sabihin ko kaya na isa ako du'n sa artistang na-exploit at ikaw 'yun!" ani ni Ahron sa kanyang post.

Read also

20-anyos sa Maynila, nakatakas sa umano'y kidnapper; naidetalye ang pangyayari

Ibinahagi pa ng aktor ang isang insidente kung saan kinakailangan niyang mag-plaster para sa isang eksena. Ayon sa kanya, habang siya ay tinutulungan na ng isang miyembro ng production team, bigla umanong pumasok ang direktor sa CR at pinaalis ang tumutulong sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ni Ahron, sinabi ng direktor na siya dapat ang mag-aayos ng plaster at hindi ang ibang tao. "Wala namang problema sa akin pero ilang beses mo tinatamaan at dinidikit 'yung kamay mo," pagbubunyag pa ng aktor.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang tinutukoy na direktor sa post ni Ahron Villena. Maraming netizens ang nagtatanong at nagaabang ng mga susunod na hakbang ng aktor kaugnay sa isyung ito.

Ahron Villena, nagsalita: Direktor na nang-eksploit daw sa kanya, binuking
Ahron Villena, nagsalita: Direktor na nang-eksploit daw sa kanya, binuking
Source: Instagram

Si Ahron Villena ay isang Pilipinong aktor. Siya ay dating miyembro ng Star Magic ng ABS-CBN at kasalukuyang isang freelance artist. Noong 2004, sumali siya sa at nanalo sa talent search ng ABS-CBN na noontime show na MTB: Ang Saya-Saya, na tinatawag na TV Idol Ur D’ noong August 21, 2004.

Read also

Deborah Sun, binihaging na-diagnose siyang may colon cancer

Matatandaang nag-viral ang mga larawan nina Allan K at Ahron na kuha umano sa Boracay. Naibahagi ito ni Allan K sa kanyang mga social media page kaya naman mabilis na nakita ng mga netizens. Mapapansing hindi lamang sila ang magkasama sa lugar na makikita rin sa iba pang post na naibahagi ni Allan.

Pagkatapos nito, inihayag ng host ng "Eat Bulaga" na ito ay walang iba kundi isang nakakatuwang prank sa pagitan nila. Bukod pa rito, nagpasalamat din si Allan sa mga tao na nag-react sa kanyang mga naunang post kasama si Ahron.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate