Diwata, ibinida ang kanyang pinakaunang billboard sa EDSA

Diwata, ibinida ang kanyang pinakaunang billboard sa EDSA

- Ibinida ni Diwata ang kanyang pinakaunang billboard sa EDSA

- Sinadya pa talaga nito ang lugar upang kumpirmahin kung totoo nga

- Makikita sa electronic billboard ang success story ni Diwata at ila pagbati sa kanyang kaarawan

- Kamakailan, ibinahagi rin ni Diwata ang panibagong negosyo na kanyang binuksan

Sumadya pa talaga sa EDSA si Diwata upang kumpirmahin kung totoong mayroon nga siyang billboard doon.

Diwata, ibinida ang kanyang pinakaunang billboard sa EDSA
Diwata, ibinida ang kanyang pinakaunang billboard sa EDSA (Diwata Pares Overload Official)
Source: Facebook

Sa pinakabagong vlog ni Diwata, nagtungo siya sa may SM Megamall, south bound area upang makita ang electronic billboard.

Ilang segundo nga ay ipinalabas na ang mukha ni Diwata, noon at ngayon at ang umano'y success story niya.

Mayroon ding birthday greeting sa kanya matapos ipakita ang 'success story niya.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis naman itong ipinagpapasalamat ni Diwata na s adi inaasahang pagkakataon ay makikita ng publiko ang mukha niya sa billboard ng EDSA.

Read also

20-anyos sa Maynila, nakatakas sa umano'y kidnapper; naidetalye ang pangyayari

Narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa Diwata Pares Overload Official account YouTube:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Kamakailan, masayang tinanggap ni Diwata ang Most sensational media personality of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards. Ayon kay Diwata, iyon na umano ang ikatlong award na kanyang natanggap sa buwan lamang ng Hunyo.

Bukod sa mga awards na nakamit, hindi rin nagpahuli si Diwata sa mga artistang naki-sagala sa Malabon. Bongga ang sinuot niyang gown at talagang makikinig na panay hiyawan ng kanyang pangalan ang maririnig, sa tuwing dadadaan na si Diwata.

Samantala, sa kabila ng pagiging abala sa mga branch ng kanyang Diwata Pares overload, bahagi pa rin si Diwata at patuloy pa rin siyang mapapanood sa Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kaya naman masasabing napaka-busy talaga ngayon ni Diwata na nadagdagan pa ang kanyang Pares Overload branch na mayroon na rin sa Quezon City. Matatandaang bongga ang naging grand opening nito kamakailan na dinaluhan ng ilang mga kilalang artista.

Read also

Carlo Aquino, ibinida ang picture nila ng anak niyang si Mithi

Samantala, minsan na ring ibinahagi ni Diwata kamakailan ang bago niyang bukas na vape shop. Sa pagbubukas nga nito, may mga freebies pang ibinigay si Diwata.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica