Diwata, namili ng ipamimigay na mga brand new CP sa masusuwerteng supporters

Diwata, namili ng ipamimigay na mga brand new CP sa masusuwerteng supporters

- Namili si Diwata ng mga ipamimigay niyang cellphone

- Ito ay para sa mga masuswerteng mapipiling supporters lalo na ang kanyang mga subscribers

- Isa raw ito sa mga paraan ng kanyang pasasalamat sa mga patuloy na tumatangkilik sa kanya at kanyang mga produkto

- Bukod sa kanyang negosyong kainan at paresan, napapanood din si Diwata sa FPJ: Batang Quiapo

Ipinakita ni Diwata ang pamimili niya ng ipamimigay na mga cellphone sa masuwerte niyang solid supporters.

Diwata, namili ng ipamimigay na mga brand new CP sa masusuwerteng supporters
Diwata, namili ng ipamimigay na mga brand new CP sa masusuwerteng supporters (Diwata Pares Oveload Official Account)
Source: Youtube

Sa kanyang pinakabagong vlog, bumili ng limang android phone at tatlong iPhone si Diwata.

Aniya, lahat ay kanyang ipamimigay bilang pasasalamat umano sa mga patuloy na tumatangkilik sa kanyang at sa kanyang mga negosyong kainan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makikita rin sa video na cash niyang binili ang mga cellphone kaya naman humirit siya ng freebies.

Read also

Kris Aquino, uuwi na sa Pilipinas sa September ayon kay Bimby

Umani ng papuri ang naisipang ito ni Diwata, at sinabing hindi ito nakakalimot sa mga taong naging bahagi ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Diwata Pares Overload Official Account YouTube:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Kamakailan, masayang tinanggap ni Diwata ang Most sensational media personality of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards. Ayon kay Diwata, iyon na umano ang ikatlong award na kanyang natanggap sa buwan lamang ng Hunyo.

Bukod sa mga awards na nakamit, hindi rin nagpahuli si Diwata sa mga artistang naki-sagala sa Malabon. Bongga ang sinuot niyang gown at talagang makikinig na panay hiyawan ng kanyang pangalan ang maririnig, sa tuwing dadadaan na si Diwata.

Read also

Rabiya Mateo, umaasang malapit na nya mahanap ang kanyang ama

Samantala, sa kabila ng pagiging abala sa mga branch ng kanyang Diwata Pares overload, bahagi pa rin si Diwata at patuloy pa rin siyang mapapanood sa Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kaya naman masasabing napaka-busy talaga ngayon ni Diwata na nadagdagan pa ang kanyang Pares Overload branch na mayroon na rin sa Quezon City. Matatandaang bongga ang naging grand opening nito kamakailan na dinaluhan ng ilang mga kilalang artista

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: