Jerald Napoles, todo-effort sa engagement ring nya para kay Kim Molina

Jerald Napoles, todo-effort sa engagement ring nya para kay Kim Molina

- Sa isang video na binahagi ni Jerald Napoles ang kanyang naging paghahanda sa pag-propose niya kay Kim Molina

- Bukod sa pagpapaalam sa mga magulang niya, naging hands-on din si Jerald sa paggawa ng singsing

- Makikita sa video na siya ang mismong gumawa ng singsing na pinulido na lamang ng shop kung saan siya pumunta para sa ginawang engagement ring

- Ayon pa kay Jerald, inabot ng mahigit isang taon ang kanyang preparation at ilang beses na naudlot ang kanyang pag-popropose dahil sa mga hindi inasahang pangyayari

Ibinahagi ni Jerald Napoles ang kanyang matinding paghahanda para sa kanyang pag-propose sa longtime partner na si Kim Molina, sa pamamagitan ng isang video na naging viral. Sa video, makikita ang bawat hakbang na ginawa ni Jerald upang masigurong magiging espesyal ang sandaling iyon.

Jerald Napoles, todo-effort sa engagement ring nya para kay Kim Molina
Jerald Napoles, todo-effort sa engagement ring nya para kay Kim Molina
Source: Facebook

Bukod sa pagpapaalam sa mga magulang ni Kim, naging hands-on si Jerald sa paggawa ng engagement ring. Hindi siya nag-atubiling gumawa ng sarili niyang singsing na sumisimbolo ng kanyang pagmamahal kay Kim. Ayon sa video, mismong si Jerald ang nagdisenyo at gumawa ng singsing, bago ito pinulido ng isang jewelry shop upang maging perpekto.

Read also

Jerald sa mga magulang ni Kim Molina: "Kasama kayo sa minahal ko, bukod kay Kim"

Ibinahagi rin ni Jerald na ang kanyang paghahanda para sa proposal ay inabot ng mahigit isang taon. Ilang beses na umanong naudlot ang kanyang balak na mag-propose dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ngunit sa kabila ng mga balakid, nagpatuloy si Jerald sa kanyang plano, na nagresulta sa isang espesyal na alaalang kanilang babaunin habang buhay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kimverlie "Kim" Soriano Molina, known as Kim Molinao mas kilala bilang si Kim Molina ay isang Filipina singer at actress na unang nakilala sa husay ng pagganap niya bilang si Aileen sa long-running Filipino stage musical na 'Rak Of Aegis' , Savannah sa drama series 'Kadenang Ginto', Peng sa digital iWant movie na 'MOMOL Nights', at Elsa sa mainstream film na '#Jowable' kung saan isa na siya sa mga box-office actress dahil tumabo ang kita ng pelikula ng Php100 million.

Read also

Estudyanteng naputulan ng paa, hinangaan sa pinakitang dedikasyon para makapag-aral

Matatandaang buong tapang na naibahagi ni Jerald Napoles ang kanyang mga pinagdaanan noong kabataan niya. Ipinagmamalaki rin niya ang lahat ng hirap at sakripisyo ng kanyang ina na mag-isa siyang itinaguyod. Lahat halos ng trabaho at raket ay pinasok ng kanyang ina at nasaksihan niya ang lahat ng ito. Kaya naman ngayon, alay niya ang bawat tagumpay na tinatamasa upang masuklian ang lahat ng pagmamalasakit na ibinigay sa kanya ng ina mabigyan lamang siya ng magandang buhay.

Samantala, binahagi ni Jerald ang video kung saan makikitang tila naiiyak ang girlfriend niyang si Kim. Hawak nito ang kanyang cellphone at nanonood ng video nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Naka-relate naman ang mga netizen sa pag-iyak ni Kim at sinabing pati sila ay naluha sa hiwalayan ng dalawa. Sa pagkumpirma nga ng dalawa na hiwalay na sila, marami sa mga taga-showbiz ang nasaktan din lalo at nagtagal sila ng 11 years.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate